CHAPTER 18

31 5 0
                                    

"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Aling Clara.

"Mag-impake na po tayo, uuwi na po tayo ngayon," sabi ko.

"Anong nangyari?" tanong niya at umiling nalang ako. Dumeretso ako sa kubo namin at mabilis kong inasikaso ang mga gamit ko.

Hindi naman na nagsalita pa si Aling Clara. Sila Chesca na ang nagpaliwanag ng nangyari, agad na sinundan ako ni Aling Clara.

"Klare, nagpaliwanag ba sa iyo nang maayos si Arturo?" tanong niya at hinarap siya at dahan-dahang tumango.

"Gusto ko pong maniwala, naniniwala po ako sa kan'ya. Pero may iba pa pong dahilan kung bakit ako nasasaktan ng ganito," paliwanag ko at bumuhos ang luha ko. Ayaw sa akin ng nanay niya.

Niyakap naman ako ni Aling Clara at hindi na nagtanong pa. Matapos naming mag-ayos ng gamit ay sumakay na kami sa yate.

Nang umandar ang yate ay nakatitig lang ako sa isla ng Costa Mesa. Mamimiss ko rito, kung hindi man bumalik si Arturo sa Rivervalde ay tatanggapin ko kahit masakit.

Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at pumasok nalang sa kwarto ko saka nahiga sa kama. Magdamag akong tulala sa kisame at hindi makatulog.

Iniisip ko kung kaya ko bang makita si Arturo na masaya sa piling ng iba. Iniisip ko kung bakit biglang nagbago ang isip ni Aling Milagros.

Matapos ng dalawang araw na byahe ay nakabalik na kami sa Rivervalde. Sa dalawang araw na iyon ay nagkulong lang ako sa kwarto ko.

Nang makauwi kami ay sinalubong ako ni mama, taas na taas ang kilay, ngunit wala naman na akong pakialam kung ano man ang sasabihin niya ngayon.

"Oh, Klare? Nag-enjoy kayo?" tanong ni papa nang makita niya ako.

"Opo, papa. Maraming salamat po," simpleng sabi ko.

"Where's Arturo?" tanong niya. "May trabaho pa siya sa akin," dagdag pa niya.

"Baka matagalan pa pong bumalik," sabi ko. Baka matagalan o baka hindi na bumalik. "May problema po kasi sa pamilya, iyon po ang paalam sa akin," dagdag ko pa.

Bumuntong-hininga si papa, hindi ko maipaliwanag kung galit ba siya o hindi. Umakyat na ako sa kwarto ko at inayos ang mga gamit ko.

Habang nag-aayos ay nakuha ko sa bag ang itim na t-shirt ni Arturo. Hindi ko maiwasan ang malungkot at masaktan, dahil sa sinabi ng nanay niya sa akin.

Muling pumasok si Aling Clara sa kwarto ko at naupo sa kama para kausapin ako.

"Klare, pwede ba tayong mag-usap?" mahinahong tanong niya at tumango naman ako. Tumabi ako sa kan'ya at hinaplos niya ang ulo ko.

"Ganoon talaga sa buhay, Klare. May mga taong tanggap ka, at mayroon namang mga taong hindi. Ang dapat mong gawin ay huwag kang sumuko at huwag kang magpadala sa sinasabi ng ibang tao, kung alam mong wala kang ginagawang masama, huwag kang panghinaan ng loob," paliwanag niya.

"Pero tama po si Aling Milagros na layuan ko ang anak niya. Dahil ako po mismo, kung ipagpalatuloy ko ito ay baka mapahamak siya. Kilala ko po si papa, at kilala niyo rin po si papa," paliwanag ko at nanlaki ang mga mata niya sa mga sinabi ko.

"Ano kamo? Anong pangalan ng kan'yang ina?" tanong ni Aling Clara.

"Aling Milagros po," sagot ko at napahawak siya sa kan'yang dibdib. Parang nagulat siya nang sagutin ko ang tanong niya. "Bakit po?" tanong ko at umiling naman siya.

"Pag-isipan mo nang mabuti ang magiging desisyon mo," tanging sinabi niya at iniwan akong mag-isa sa kwarto ko.

Umiling nalang ako at lumabas para pumunta sa rancho. Kinuha ko si Apollo at pumunta sa Angano Falls.

When the Falls, Fell Into My ArmsWhere stories live. Discover now