CHAPTER 11

50 8 2
                                    

Hanggang ngayon ay hindi ko kinikibo si mama at papa. Mabuti at tahimik din si Gabriel at hindi lumalapit sa akin.

Sabay-sabay man kami ngayon sa hapag ay tahimik ang naging pagkain namin. Ayokong magsalita, ayaw ko silang kausap.

Nauna akong natapos kumain, walang salita ang lumabas sa bibig ko at agad akong tumayo. Lumakad ako palayo sa kusina.

Ngayong araw ang finals ng R2F. Apat ang maglalaban. Bali tatlong laban ang magaganap ngayon. Mamaya pa kami pupunta dahil pangalawa pa naman ang laban ni Arturo.

Nauna na si Arturo sa Poroka para maghanda at mapanood ang makakalaban niya. Sumakay na ako sa wrangler ko at nagmaneho na papunta sa Poroka. Wala na akong paki kung hanapin man nila ako.

Nang marating ko ang Poroka ay nagparada na ako sa parking lot. Wala namang ibang tao rito dahil ang lahat ay nasa loob ng arena. Siguro ay hindi pa tapos ang unang laban.

Nakakarinig ako ng hiyawan mula rito, nang sinarado ko na ang wrangler ko ay namataan ko si Margaret na nag-iisa. Matalim ang titig niya sa akin, namumula ang mga mata niya na para bang kagagaling lang sa iyak.

Marahas siyang lumapit sa akin at nang ilang dipa lang ang lapit niya sa akin ay nagulat ako sa ginawa niya. Bigla nalang dumapo sa pisngi ko ang kan'yang palad.

Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa hapdi, "How dare you?!" pagalit kong sigaw sa kan'ya.

"Ang landi mo! Isa kang mang-aagaw! Hindi porket anak ka ng gobernador o nang kung sino mang pontio pilato at makukuha mo na ang lahat!" sigaw niya. Dahil sa galit ay sinampal ko rin siya. Doble sa ginawa niya sa akin.

"Una sa lahat, hindi ako mang-aagaw. At higit sa lahat, hindi ako malandi katulad mo. That word only suits for you. Wala kang karapatang sugurin ako at saktan ako. Ano bang pinuputok ng butsi mo? Si Arturo?" sarkastikong tanong ko at natahimik siya.

Nagtaas-baba ang kan'yang dibdib dahil sa paghinga niya. Galit siya, ramdam ko iyon.

"Simula nang magtrabaho siya sa rancho niyo, nag-iba na siya. Ibang-iba na dahil sa'yo! Dahil mang-aagaw ka!" sigaw niya at natawa naman ako.

What the hell is this girl up for? Nakikipag-away para sa lalaki? I won't stoop down to her level. Grabe, susugurin ako para sa lalaki? I can't believe this. Halatang lowclass.

"Huwag ako ang sugurin mo, dahil wala naman akong pakialam. Isa pa, kasalanan ko ba na lumayo siya sa'yo para sa'kin? Siya ang komprontahin mo," kalmado kong sabi kahit pa sa loob loob ko at kumukulo na ang dugo ko.

Tinalikuran ko na siya dahil baka kung saan pa mapunta ang sagutang ito. Ngunit nabigo ako, hinila niya bigla ang buhok ko.

Na-out of balance ako kaya natumba ako at napaupo sa lupa. "Walanghiya ka! Malandi ka!" sigaw niya. Naramdaman ko ang hapdi ng kalmot niya sa braso ko.

Hindi ako makaganti dahil nasa ibabaw ko siya. Patuloy parin siya sa paghila sa buhok ko, ang hapdi na braso ko, hindi ko alam kung ilang kalmot ang nagawa niya.

Hinaharangan ko lang ang mukha ko dahil baka madali niya ng kalmot. "Ano matapang ka? Bakit hindi ka lumaban?" galit na galit niyang sigaw sa akin.

"Margaret!" dinig kong sigaw ni Arturo at agad niyang hinila si Margaret palayo sa akin. Lumuhod siya at lumapit sa akin.

Kaninang sinasaktan ako ni Margaret ay walang luha ang tumulo mula sa mga mata ko, pero bakit noong dumating siya, kusang bumagsak ang luha ko.

When the Falls, Fell Into My ArmsWhere stories live. Discover now