CHAPTER 13

29 6 2
                                    

The day our lips met, our hearts locked. But this is all wrong, sooner or later I'm gonna marry someone I don't even love.

Pero hindi natigil si Arturo ng mga bagay na iyon para ligawan ako. Niligawan niya ako nang patago dahil ako na mismo ang nagsabi, hindi papayag sila mama at papa.

Isang linggo na akong nililigawan ni Arturo matapos ang ginawa niyang paghalik sa akin sa Angano Falls. "Napapadalas yata ang pag-ngiti mo nitong mga nakaraang araw?" nagtatakang tanong ni Aling Clara sa akin.

"Maybe because, I met someone who makes me feel young again, a man who can give me freedom, happiness, and love that I truly deserve," paliwanag ko habang nakangiti. Pumikit din ako habang inaalala ang hitsura ni Arturo.

"Nagbago na ba si Gabriel?" gulat na tanong ni Aling Clara.

Umiling naman ako agad at ngumiti, "Ibang lalaki po."

"Ano? Ibang lalaki ang nagpapatibok ng puso mo? Nako, paano kapag nalaman ng mama at papa mo?" nag-aalalang tanong ni Aling Clara.

"Aling Clara, may tamang panahon at oras naman po para aminin kila mama at papa ang lahat. Pero kung tutol sila, I'd rather run away with the man I love than marry someone I don't even love," paliwanag ko.

"Lumalaki kana talaga, Klare. Alam mo na sa sarili mo ang makakapagpasaya sa'yo. Alam mo na kung paano magdesisyon para sa sarili mo," nakangiting sabi ni Aling Clara.

Nagulat naman ako sa ginawa niyang pagyakap sa'kin. Mainit ang yakap niya at sumaya ang puso ko, niyakap ko siya pabalik. Ilang sandali lang, biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

Naghiwalay kami ni Aling Clara nang higitin ni mama ang braso ko kaya napatayo ako, "Aray ko, mama!" angil ko.

Binitawan niya ako at tumingin siya nang masama kay Aling Clara. "Umalis kana, Clara. May pag-uusapan kami ng anak ko," utos niya kay Aling Clara. May bahid pa ng pagka-inis ang boses niya.

Sumunod naman si Aling Clara, lumabas siya ng kwarto ko at naiwan kaming dalawa ni mama sa loob. Naupo ako sa couch at tumingin siya sa akin.

"Para sabihin ko sa'yo, ayoko nang napapalapit ka sa mga katulong. Naiintindihan mo? Isa pa, maghanda kana rin dahil nalalapit na ang kasal ninyo ni Gabriel," paliwanag niya at nangunot naman ang noo ko. "Next month ang kasal ninyo," dagdag niya pa.

Marahas akong tumayo at tumingin sa kan'ya. "Ayokong magpakasal. Hindi ko susundin ang gusto niyo, hindi ko mahal si Gabriel!" giit ko.

Lumapit siya sa sa'kin at humapdi talaga ang pisngi ko sa ginawa niyang pag-sampal sa akin," Hindi ako magpapakasal sa lalaking hindi ko naman mahal!" sigaw ko at tumakbo ako palabas ng kwarto.

Sobrang sama ng loob ko, ano mang oras ay tutulo na ang luha ko. Bakit ba nila ako pinipilit sa kupal na iyon?

Nang marating ko ang lumang cabin house malapit lang sa bakanteng lupain namin ay natanaw ko na may mga taong nagbubungkal ng lupa.

Lumapit ako kila Mang Tasyo at nagtanong. "Ano pong meron dito?" tanong ko.

Hinubad ni Mang Tasyo ang sumbrero niya at itinapat iyon sa dibdib niya. "Inutusan po kami ni Don Emmanuel taniman ng mga bulaklak ang bakanteng lupain na ito," paliwanag niya. Ibig sabihin ay magkakaroon na kami ng plantasyon?

Hindi ko naman maiwasan ang maging masaya, suhestyon ko kila Mang Tasyo na tumulong sa kanila. Gusto ko matutunan ang magtanin ng mga halaman.

"Mas maganda kung magaan ang kamay mo, dahil mabilis at siguradong tutubo ang tinatanim mo," paliwanag ni Mang Tasyo.

Sinundan ko lang ang mga ginagawa nila, mabilis naman akong nakakasunod. Tirik ang araw pero natutuwa ako sa ginagawa ko.

Mayamaya lang ay naramdaman ko ang subrerong pumatong sa ulo ko. Nilingon ko kung sino iyon, it was him. Arturo.

When the Falls, Fell Into My ArmsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin