CHAPTER 6

71 30 1
                                    

Ngayon ang araw ng kasal ni Ignacio Velasquez at Ynna Faustino. Well, I'm happy for the both of them. Nakakapagtaka lang na hindi tinanggalan ni papa si Arturo ng trabaho. I wonder why? Nagsumbong ba si Gabriel?

Mabuti at wala si Gabriel, may pinaasikaso raw si papa, kaya kaming dalawa lang ang pupunta sa hacienda ng mga Velasquez.

"Mauna kana sa beach. Sa Hacienda Velasquez nalang ako pupunta dahil may aasikasuhin ako," paalam ni papa sa akin. "Si Arturo na muna ang ipapasama ko sa iyo para samahan ka," dagdag niya pa.

May maayos bang damit ang isang iyon? Baka naman kung ano ang —

Natigil ang pag-iisip ko nang pumasok siya sa sala, nakita ko ang hitsura niya. Malinis tingnan ang mukha niya, naka-gel pa ang buhok, naka-amerikana at black shoes. Amoy ko ang shower gel niya mula rito sa kinatatayuan ko, ang bango niya.

"Oh nar'yan kana pala, Arturo. Ikaw na ang bahala kay Klare, samahan mo siya sa beach hanggang sa Hacienda Velasquez," utos ni papa.

"Masusunod po, Don Emmanuel. Mag-iingat din po kayo sa lakad niyo," sabi niya Arturo at umalis na si papa.

Yung wrangler ko ang ginamit naming sasakyan, pero this time siya naman ang nagmaneho. Nasa backseat ako at hinayaan lang siya sa pagmamaneho.

"Hindi ko alam na babagay pala sa iyo ang gan'yang damit," sabi ko at tumingin siya sa rear mirror. Napatingin din ako doon kaya naman umiwas din ako kaagad.

"Ibinigay ito sa akin ni Don Emmanuel dahil nga gusto niyang samahan kita sa kasalan," paliwanag niya at hindi na ako nagsalita pa. "Bagay din sa iyo ang suot mo," dagdag niya pa at lihim naman akong napangiti.

Mayamaya lang ay narating na rin namin ang beach. Dito gaganapin ang kasal ni Ignacio, ang reception naman ay sa mismong hacienda din nila.

Nang makababa ako ay agad kong nakita si Ignacio at si Don Louis at ang asawa nito. Marami na rin ang taong narito. Maganda ang pagkakaayos ng venue ng kasal, hilera sa magkabilaang gilid ang mga puting upuan, sa gitna ay mayroong pulang carpet at bawat gilid nito ay mayroong mga puting bulaklak.

"Oh, Klare narito kana. Where's your dad?" salubong sa akin ni Ignacio.

"May inaasikaso pa eh, pero pupunta siya sa reception," sabi ko.

"And who's with you? Youre boyfriend?" tanong niya at agad akong umiling. Bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi ni Ignacio.

"He's Arturo, tauhan ni papa." sagot ko at nakipagkamay si Ignacio sa kan'ya. Lumapit na rin sa amin si Don Louis at Donya Luisita para batiin kami.

"You look great, hija." pagbati sa akin ni Donya Luisita. Mababait talaga ang mga Velasquez, lalo na ang mag-asawang ito.

"This man with you, he looks nice din. Bagay kayo," nakangiting sabi ni Don Louis.

"Don Louis talaga mahilig magbiro," sabi ko at tumawa naman siya nang malakas. Gan'yan talaga siya, malakas tumawa at napakamasiyahin.

"Oh siya, maupo na kayo roon dahil si Ynna at ang pari na lamang ang hinihintay," sambit ni Donya Luisita.

Gaya ng sabi nila, naupo kami sa may dulo. Tabi kami ni Arturo, sinulyapan ko si Arturo at para namang hindi si naboboring dahil nakangiti pa siya habang tumitingin-tingin sa paligid.

When the Falls, Fell Into My ArmsWhere stories live. Discover now