CHAPTER 20

36 5 1
                                    

"Lumaki kang maganda, apo," papuri ni lola sa akin habang hinahaplos ang ulo ko. Sinusuklay niya ang buhok ko gamit ang kan'yang mga daliri.

"Lola?" takang tanong ko at tumingin sa paligid. Nasa plantasyon kami ng mga bulaklak. Sobrang bango at ang ganda ng lugar na ito. Napaka-ginahawa sa pakiramdam.

"Ako nga apo, kumusta na? Mukhang hindi naging maganda ang nakaraan mo," nakangiting sabi ni lola ngunit may halong lungkot sa kan'yang boses.

"Simula po noong nawala kayo, nawalan na rin po ako ng kakampi. Parang pinagkakaisahan ako nila mama at papa," naluluhang sabi ko at niyakap ako ni lola.

"Malalagpasan mo rin ang lahat, apo. Huwag kang susuko sa buhay. Kahit pa lubog na lubog kana at nalulunod, pilitin mo ang umahon at huminga. Alam kong kaya mo, naniniwala akong kaya mo," nakangiting sabi ni lola nang unti-unti siyang naglaho sa aking paningin.

Nang imulat ko ang mga mata ko ay malabo ang mga ito, hindi sobrang labo pero hindi na kasing-linaw simula nang aksidente.

"K-Klare," narinig kong boses ng lalaki. Boses na hindi ko akalain na muli kong maririnig. "You're awake, I'll call the doctor," dagdag niya pa at hinawakan ko ang kamay niya bago pa siya makaalis.

"Arturo," sabi ko at doon na ako umiyak. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak nang ganito. Dahan-dahan akong umupo, nakaramdam ako nang matinding hilo kaya inalalayan niya ako.

"Dahan-dahan lang," malumanay na sabi niya.

"Anong nangyayari, Arturo. Bakit ang labo ng paningin ko? B-Bakit hindi na kita makita nang malinaw," umiiyak kong sabi at niyakap ko siya.

Naramdaman kong niyakap niya rin ako pabalik at hinalikan niya ang ulo ko, "Shhh everything will be fine," bulong niya.

"S-Si Peter? K-Kumusta si Peter?" naiiyak paring tanong ko at hinawakan niya ang kamay ko. Gustuhin ko mang makita siya nang maayos ay hindi ko magawa.

"One week bago nagising si Peter. Huwag kang mag-alala, mabilis ang naging recovery niya at nasa hacienda na siya," paliwanag ni Arturo.

"One week?" takang tanong ko.

"Klare, anong ginawa mo? Lubos mo akong pinag-alala. Nang malaman ko kila Chesca na naaksidente ka ay para akong mababaliw nang makita ko ang kalagayan mo pagdating ko rito," paninimula niya. "Isang buwan kang walang malay, Klare. Sa isang buwan na iyon ay wala akong ibang hiniling kung hindi ang magising ka," dagdag niya pa. Halata sa boses niya ang pannginginig, umiiyak siya.

Marahan kong hinawakan ang pisngi niya at naramdaman kong basa iyon, "Sorry. Hindi ko sinasadya," sabi ko at dumating na ang mga doctor para i-check ako.

Nang pumasok sila mama at papa sa loob ay bahagyang lumayo sa akin si Arturo. Kasunod nila papa ay si Gabriel.

"Lumabas kana muna, Arturo. Mag-uusap lang kami," utos ni papa na sinunod naman ni Arturo. Ayaw ko sana siyang paalisin dahil wala akong kakampi sa loob ng kwartong ito.

"Mabuti naman ang nagising kana! God! Gumawa ka nanaman ng problema!" sigaw ni mama. Hindi na ako nagulat dahil alam kong gan'yang ang gagawin niya.

Mamatay man ako siguro ay baka masaya pa siya.

"Eleanor! Huwag mong pagsabihan ng gan'yan ang anak natin. Mabuti nga at nagising pa siya," paninimula ni papa. "Kumusta na po siya? Maari na po ba siyang makalabas?" tanong ni papa.

"Chineck namin ang lahat sa kan'ya, maayos naman walang ng problema except sa mga mata niya," paninimula ng doctor.

"Ano pong ibig sabihin?" tanong ni Gabriel.

When the Falls, Fell Into My ArmsWhere stories live. Discover now