CHAPTER 9

54 8 0
                                    

Nang makauwi kami ay dumeretso na ako sa kwarto ko. Habang nakahiga ay narinig kong may nag-uusap sa sala kaya naman bumangon ako at sinilip ang sala.

Doon ay nakita ko si Kapitan Ramil. Ano naman kaya ang sadya niya kay papa.

"Ano ang sadya mo rito, kapitan?" tanong ni papa at pinaupo si Kapitan Ramil sa sofa.

"Tungkol ito sa pagkamatay ng dalagang nagngangalang Andrea Fernandez. Yung babaeng natagpuan sa Hayana River, isa siyang dayuhan dahil wala naman siyang record dito," paliwanag ni Kapitan. "Ngunit mayroon kaming witness na ang itinuturo ay ang asawa mong si Eleanor Ezcurra. Kaya narito kami dahil mayroon kaming warrant of arrest," dagdag pa niya.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat, anong kinalaman ni mama sa pagkamatay ng Andrea na iyon? "Papa, anong nangyayari rito?" tanong ko habang bumaba sa sala.

"Klare, stay at your room. Kapitan, wala rito ang asawa ko, lumuwas siya ng Manila kamakailan lang. Ano ba itong pagpaparatang niyo sa asawa ko? Alam mong malaking pangalan ang pinanghahawakan ko," seryosong paliwanag ni papa.

"Alam namin, Gobernador Emmanuel. Pero ang asawa mo ang itinuturo mg witness," paliwanag ni kapitan. Ano na ang mangyayari kay mama?

"Klare, I said stay out of this." mariing sabi ni papa kaya naman lumabas muna ako ng mansyon.

Bakit nasangkot si mama sa pagkamatay ni Andrea Fernandez? Habang naglalakad-lakad papunta sa rancho ay may humigit sa braso ko.

Tinakpan niya pa ang bibig ko para hindi ako makagawa ng ingay. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang lalaking iyon. Marahas niya akong isinandal sa pader. Ang mga mata niya ay nanlilisik at punong-puno ng pagnanasa.

Marahas kong tinulak si Gabriel ngunit masyado siyang malakas. Napalunok ako, ngayon lang ako natakot ng ganito.

Ang kabog ng puso ko ay lumalakas nang lumalakas habang hinihimas-himas niya ang aking braso.  

Gusto kong umiyak, gusto kong magwala. Bakit ganito ang ginagawa niya sa akin? "BITAWAN MO AKO, GABRIEL!" sigaw ko ngunit parang wala siyang naririnig.

Agad nanayo ang balahibo ko nang dumampi ang kan'yang labi sa aking leeg. Doon na namuo ang luha sa mga mata ko.

Saktong bumagsak ang mga luha ko ay may biglang humila sa kan'ya palayo sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang suntukin ni Arturo si Gabriel sa mukha.

Hindi parin ako malagalaw, tila naestatwa ako sa nangyari, sa ginawa ni Gabriel sa akin.

"GAGO KA AH!" sigaw ni Gabriel, akmang sasapakin niya si Arturo pero hindi niya ito nasapak. Bagkus ay si Arturo pa ang muling nakasapak sa kan'ya.

"Napakawalanghiya mo! You tried to rape her! You touched and kissed her without her fucking consent! You're such a jerk!" sigaw ni Arturo. Para akong natunaw sa mga sinabing iyon ni Arturo.

Kahit gabi na ay kitang-kitang sa mga mata niya ang nag-aalab na galit. Parang walang makakapigil sa kan'ya.

Nanatiling nasa lupa si Gabriel, agad na lumuhod si Arturo sa lupa at pinaulanan ng sapak si Gabriel sa mukha. Sa pagkakataong ito ay mas lalo akong natakot.

He's so violent. Hindi niya tinigilan nang sapak sa mukha si Gabriel hanggang sa magdugo ang mukha nito. Mabuti na lamang at dumating si Peter.

When the Falls, Fell Into My ArmsWhere stories live. Discover now