CHAPTER 25

9 0 0
                                    

"Klare," marahan na pagtawag sa akin ni Arturo. Naramdaman ko rin ang mainit niyang palad ns humahaplos sa pisngi ko.

Marahan kong minulat ang mga mata ko at siya ang bumungad sa akin. Malalim na ang gabi at huminto na siya sa pagmamaneho.

"Kumusta ang tulog? Narito na tayo sa dulo ng Rivervalde," sabi niya. Natanaw ko ang beach sa hindi kalayuan. May ilang kainan din dito at bar, pero hindi ganoon karami ang tao.

Nag-renta lang kami ni Arturo ng kwarto para magpalipas ng araw dahil bukas ng gabi ay susunduin din naman kami ng kaibigan niya.

Kumain na muna kami sa isang resto-bar dahil hindi pa ako kumakain simula kaninang umaga. Umorder siya ng adobo at kaldereta, dalawang kanin, at dalawang softdrinks.

"Kain nang kain," sabi niya at nagsimula na akong kumain. Habang kumakain ay pinapanood ko siya, napaka-inosenteng tingnan.

Mayamaya pa ay napansin niya ang pagtitig ko sa kan'ya, inangat niya ang ulo niya at tumingin sa akin.

"Bakit?" tanong niya at ngumiti ako sabay ilang. Kumain na ako ulit at ganoon din siya. Mayamaya pa ay may kumanta sa maliit na stage ng resto-bar na ito.

Wonderful Tonight ang kinakanta nila by Eric Clapton. Ang ibang couples ay tumayo at sumayaw. Sumabay sila sa kanta, ang smooth ng boses ng nakanta, pero wala parin talagang tatalo kay Randy.

Habang pinapanood ang mga nagsasayaw ay pumunta sa harapan ko si Arturo, napangiti ako nang ilahad niya ang kamay niya sa harapan ko. "Can we dance?" tanong niya at tinanggap ko ang kamay niya.

Marahan niya akong hinila sa dancefloor. Hinawakan niya ang bewang ko at nakapatong naman ang dalawang kamay ko sa balikat niya.

Idinikit niya ang noo niya sa noo at pumikit naman ako habang hinahayaan siyang isayaw ako sa harap ng maraming tao, "Oh my darling, you look wonderful tonight," sabay niya sa kanta.

Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti dahil sa tingin ko ay may tumalo na sa boses no Randy. Biglang dumilim ang paligid, at nagkaroon ng disco lights na mayroong mabagal na paggalaw.

Mas naging romantiko tuloy ang pagsasayaw naming dalawa, "I'll do everything I can to make you happy for the rest of your life, my love," nakapikit na sabi niya habang isinasayaw ako.

Hinalikan niya ang noo ko, marahan pababa sa aking ilong, hanggang sa narating niya ang aking labi. Sandaling halik lamang iyon pero lubos na nakapagpasaya sa akin.

Niyakap ko siya, hiniga ko ang ulo ko sa dibdib niya at niyakap niya ako pabalik. "Ngayon ay matutuloy na ang kasal na pinaplano natin," bulong niya at tumango naman ako. "Tayo na ba?" tanong niya pa at bahagya akong natawa.

"Tayo na," sabi ko at naramdaman ko na humigpit ang yakap niya sa akin.

"Aba, ka-sweet naman ng mag-asawa na ito," sabi ng lalaking matanda kaya napatingin kami sa kan'ya.

"Nako, hindi pa po kami mag-asawa," giit ko.

"Pero malapit na po," giit din ni Arturo at hinawakan ang akong kamay.

"Aba eh gusto niyo bang ikasal ko na kayo ngayon din?" lasing na sabi niya habang may hawak pa ng bote ng beer.

"Ha? May kakayahan po ba kayo magkasal?" tanong ko at tumawa naman siya.

"Isa akong mayor, ano ba kayo? Hindi niyo ba ako kilala? Ikakasal ko kayo ngayon kung inyong nais," nakangiting sabi niya at nagkatinginan kami ni Arturo.

"Oo naman po," sabay naming sabi habang nakangiti. Agad na pinutol ni Mayor ang performance ng mga nakanta sa stage dahil inagaw niya ang mic.

"Mayor naman eh!" reklamo ng mga tao.

When the Falls, Fell Into My ArmsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora