CHAPTER 17

25 5 0
                                    

Matapos namin kumain ay nagpahinga muna kami saglit bago kami muli pumunta sa dalampasigan. Nauna na sila Mike at Randy para mag-tampisaw.

Kami naman ni Arturo ay nahuhuli kila Chesca. Ready na ulit sila mag-swimming. Naghubad na si Arturo ng kan'yang t-shirt, kaya hinubad ko na rin ang t-shirt na pinahiram niya sa akin kanina.

Nang mahubad ko ang t-shirt ay inayos ko ang buhok ko, nang magtama ang paningin namin ni Arturo ay kanina pa pala siya nakatingin sa akin.

"Beautiful," usal niya at ibinigay ko sa kan'ya ang t-shirt.

Hindi naman ako nakapagsalita dahil nahihiya talaga ako sa kan'ya, I mean naging mahiyain ako sa kan'ya nitong mga nakaraang araw.

Umiling nalang ako at sabay kaming pumunta sa dalampasigan hanggang sa hinila niya ako sa tubig.

Nang hanggang bewang ko na ang tubig ay tumigil kami. Sabay kaming tumingin sa malayo at tumingin sa isa't isa. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko nang hawakan niya ang bewang ko, hinawakan naman ng isang kamay niya ang kamay ko.

Para bang isinasayaw niya ako, sumasabay kami ngayon sa alon. "KLARE!" dinig kong sigaw ni Chesca sa pangalan ko.

Sabay naman kaming tumingin ni Arturo ksy Klare. Bigla namang nag-flash ang camera niya, kinuhanan niya kami ng litrato ni Arturo.

"Chesca! Hindi ako ready," reklamo ko at tumawa naman siya.

"Ang ganda mo parin naman dito," nakangiting sabi niya at iba naman ang kinuhanan niya ng litrato kaya nakuha namin ang sandaling ito para sa aming dalawa ni Arturo.

"Mamayang gabi pala ay uuwi ako sa amin, madalas kasi na wala roon si Lindo kaya walang nakakasama si inay," paalam niya sa akin. O hindi ko ba alam kung nagpapaalam ba siya?

"Sino si Lindo?" takang tanong ko.

"Yung batang pinapakain ni inay sa bahay, madalas kasing nasa simbahan iyon para maglinis doon," paliwanag niya at tumango-tango naman ako.

"Nagpapaalam ka ba?" takang tanong ko sa kan'ya.

"Parang ganoon na nga," simpleng sabi niya at natawa naman ako. Iniisip niya ba na pagbabawalan ko siya? "Ang bilin ko ha? Huwag didikit masyado sa mga kaibigan mong lalaki," dagdag niya pa.

Tumango naman ako habang nakangiti, "Oo na. Hindi na," sagot ko.

Matapos naming maligo ay nagpaalam na siya kay Aling Clara at sa mga kaibigan ko. Bukas ng umaga ay babalik din naman siya kaya hinatid ko na siya sa kalsada kung saan siya pumapara ng tricycle.

"Mag-iingat ka. Ikamusta mo ako kay Aling Milagros," nakangiting sabi ko at sumakay na siya sa tricycle.

"Okay, see you tomorrow. Baka mag-inuman din kami nila Marco," pahabol niya pa at tumango nalang ako saka kumaway sa kan'ya.

Nang makalayo ang tricycle ay bumalik na ako sa dalampasigan. Muli, gumawa ng bonfire sila Chesca, talagang sinusulit nila ang bakasyon na ito. Habang nakaupo ay narinig ko ang pag-ring ng cellphone ko.

Lumayo ako kila Chesca at sinagot ang tawag. Number ni mama ang tumatawag sa akin.

"Ma," sabi ko.

"Ano? Wala ka ng balak umuwi pa?" bungad na tanong niya sa akin. Bumuntong-hininga na muna ako nagsalita.

"Nagpaalam naman po ako kay papa. Alam po niyang narito ako sa Costa Mesa kasama ang mga kaibigan ko," paliwanag ko.

"Wala akong pakialam sa gusto ng papa mo, umuwi kana o ako ang pupunta r'yan," pananakot niya sa akin. Wala nalang akong sinabi at binaba ang tawag.

When the Falls, Fell Into My ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon