CHAPTER 15

29 5 0
                                    

Dalawang araw ang naging byahe namain bago namin narating ang Costa Mesa. Super excited ang mga kaibigan ko lalo na ako, dahil sa wakas ay nakalabas ako ng Rivervalde.

May mga bahay kubo naman na pwedeng rentahan malapit sa beach kaya nag-renta na kami ng apat na kubo, isang kubo para mga lalaki, isa para sa mga babae, at isa para kay Aling Clara.

"Aayusin ko na ang mga gamit ninyo sa kwarto niyo, enjoyin niyo na muna ang beach," sabi ni Aling Clara at masaya namang tumakbo sa dalampasigan sila Chesca.

"Sure po ba kayo hindi niyo kailangan ng katulong?" tanong ko kay Aling Clara at tumango naman siya saka ngumiti.

"Oo, siya lakad na. Magsaya na kayo ng mga kaibigan mo," paliwanag ni Aling Clara. "Arturo, hijo. Tulungan mo nalang ako magbuhat ng mga gamit," dagdag niya pa.

Bahagya kaming nagkatinginan ni Arturo bago niya binuhat ang mga gamit namin. Nginitian ko siya at ganoon din siya bago ako sumama kila Chesca.

"Grabe ang ganda talaga rito!" masayang sabi ni Chesca.

"Nakarating kana ba rito?" tanong ko at tumango naman siya.

"Oo, noong nag-family reunion kami. Maganda talaga rito, malinis at maganda ang panahon," paliwanag niya at nagtampisaw na sa tubig ang mga lalaki.

"Tara na rito hoy! Ang sarap ng tubig, maligamgam," pagtawag ni Randy sa amin.

"Mamaya na, hindi pa kami nakakabihis," sabi ni Loreen at naupo sa buhangin.

"Nako, ang ganda ng sikat ng araw. Hindi tayo masyadong mangingitim," masayang sabi ni Trixie.

Naupo kaming mga babae sa buhangin habang pinapanood ang mga lalaki na parang bata kung magtampisaw. Lumingon ako sa mga kubo at hindi pa nalabas si Arturo.

"Nangungulila ka agad d'yan!" sita sa akin ni Chesca at natawa naman sila. Umiling nalang ako at pumikit. Ito pala ang pakiramdam na maging malaya at masaya.

Ngayon masasabi kong hindi ako nag-iisa, dahil narito ang mga kaibigan ko. Narito si Aling Clara at maging si Arturo ay narito rin. Narito sila para samahan ako.

Mayamaya lang ay dumating na si Arturo, naka-topless na siya at tanging taslan short lang ang suot. Napalunok ako nang matuon ang atensyon ko sa katawan niya.

Ang hot niya talaga.

"Klare," pagtawag niya sa akin kaya bumalik ako sa reyalidad. "Huwag mo naman akong pagnasaan dito," nakangiting pang-aasar niya at tinalikuran ko siya.

Nakakainis, nakakahiya!

"Oh siya, maiwan na namin kayo!" sabi ni Trixie. "Magpapalit lang kami ng damit," dagdag niya pa at tinanguan ko sila.

"Ikaw? Hindi ka paba magpapalit?" tanong ni Arturo.

"Mamaya na siguro," sabi ko at napalunok ako nang ilahad niya ang kamay niya sa harapan ko.

"Hawak," sabi niya at awtomatiko akong sumunod. Hinawakan ko ang kamay niya at bahagya niyang pinisil ang kamay ko. "Ang lambot," dinig kong sabi niya at napangiti naman ako.

"Saan dito ang bahay niyo?" tanong ko at napatingin naman siya sa akin.

"Gusto mo nang pumunta?" tanong niya at tumango naman ako.

"Oo naman, gusto kong makilala ang mama mo," nakangiting sabi ko at bumuntong-hininga siya. "Bakit?" tanong ko.

"Mamaya ay dadalhin kita sa bahay. Magpapaalam na muna tayo nang maayos kay Aling Clara," paliwanag niya at tumango naman ako.

Sa paglalakad namin ay napadpad kami sa hindi mataong lugar. Dito ay tanaw namin sila Randy na naglalangoy parin hanggang sa sumunod na sila Chesca sa kanila.

When the Falls, Fell Into My ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon