CHAPTER 3

124 39 3
                                    

Habang kumakain sa kusina mag-isa, natanaw ko mula rito si Arturo na pumasok sa opisina ni papa. Ano naman kaya ang mayroon? Naroon sa loob lahat ang tauhan ni papa, pati si Gabriel the puppy.

"Anong meron, Aling Clara?" tanong ko at nagkibit-balikat naman siya. Habang kumakain ako ay pinagtitimpla ako ni Aling Clara ng gatas.

Nang matapos siya mag-timpla ay inabot niya sa akin 'yon, sakto namang lumabas si Arturo sa opisina ni papa. Nang makita niya ako ay parang nang-aasar ang tawa niya.

Anong nakakatawa? Lumabas na siya at nang matapos akong kumain ay sinundan ko siya sa labas.

Nang lumabas ako ay wala na siya sa labas, siguro ay nasa rancho siya. Lumakad ako hanggang sa makarating ako sa rancho, tama ako. Naroon siya.

"Anong tinatawa-tawa mo kanina?" tanong ko habang naka-krus ang mga braso ko.

"At your age you're still drinking milk? Such a baby," natatawang sabi niya. Medyo naasar ako dahil routine ko naman 'yon.

"What's wrong with it? Bakit ikaw, hindi ka ba umiinom ng gatas ha?" inis kong tanong sa kan'ya.

"Hindi, ibang tao ang umiinom ng gatas ko," he grinned.

"Arturo, tulungan mo akong magpaanak ng kabayo. Alalayan mo lang ako," sabi ni Peter, ang taga-alaga ng mga kabayo.

"Manganganak na si Blazy?" tanong ko at tumango-tango naman si Peter. Sumunod ako sa kanila sa loob ng kwadra para panoorin sila.

Naghubad ng t-shirt si Arturo, kaya naman pantalon na lamang ang suot niya ngayon. Hindi ko naman maiwasan ang mapatingin sa magandang hugis ng katawan niya.

"What are you staring at?" taas kilay niyang tanong sa akin at umirap nalang ako sa ere saka tiningnan ang ginagawa ni Peter.

Minsan nakakaawa rin mag-buntis ang mga hayop. Nakakaawa silang tingnan kapag nanganganak.

Matapos mailabas ni Blazy ang anak niya ay maraming dumaloy ang dugo mula sa kan'ya. Nilinis ni Peter ang katawan ni Blazy saka naglatag ng malinis na tela para maayos at malinis ang higaan ni Blazy.

Si Arturo naman ay nilinisan ang anak ni Blazy, matapos niyang gawin 'yon ay itinabi na rin niya ito kay Blazy. Agad na dinila-dilaan ni Blazy ang anak niya.

"Maraming salamat sa tulong mo, Arturo. Mabuti at palagi kang nagagawi rito dahil may makakatulong na ako," pasasalamat ni Peter.

"Bakit si Arturo lang katulong mo? Anong silbi ng Gabriel na iyon gayong siya ang inutusan ni papa mamahala rito?" takang tanong ko at nagkibit-balikat lang si Peter. Ayaw niyang magsilat against Gabriel, I wonder why?

"Bukas at mamayang gabi ay wala ako. May inutos kasi sa amin si Don Emmanuel," paliwanag ni Arturo. Iyon siguro ang naging meeting nila kanina sa opisina ni papa.

Nakinig lang ako sa naging usapan nila hanggang sa mabaling sa akin ang atensyon ni Peter, "Oh siya señorita, uuna na ako. Mangunguha pa ang ng mga dayami," paalam niya sa akin at tinanguan ko lang siya.

Nang maiwan kaming dalawa ni Arturo ay napansin ko ang kalmot sa kan'yang dibdib. Kalmot ng babae. Hindi ko alam pero bigla nalang kumulo ang dugo ko.

"Magdamit ka nga, nakakadiri ka!" sigaw ko sa kan'ya, "Tsaka ang baho ng pabango mo!" dagdag ko pa saka siya tinalikuran. Hindi ko na siya hinintay pa magsalita. Kahit kailan ay nakakabwisit din ang lalaking iyon.

Pumunta na lamang ako sa pool area para doon ilubog ang paa ko. Maganda pa ang sikat ng araw, healthy pa ito sa katawan.

"Señorita, swimming ka?" tanong ni Noel, ang naglilinis ng pool.

When the Falls, Fell Into My ArmsWhere stories live. Discover now