CHAPTER 10

51 7 2
                                    

Gabi na at hindi parin maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Arturo kanina. Kung hindi niya gf si Margaret ay bakit parang linta kung makakapit sa kan'ya?

Bakit palagi silang magkasama?

Isa pa, bakit gano'n ang mga sinasabi niya? Bakit nililito niya ang isip ko? Bakit tuwing titingnan ko ang mga mata niya ay para bang may kakaiba doon na magiging dahilan ng pagiging abnormal ng tibok ng puso ko.

Umiling nalang ako at tumingin sa relo ko, ala sais palang ng gabi. Gusto kong magbabad sa bathtub kaya naman kinuha ko na ang bathrobe ko.

Ngunit nang pumunta ako sa cr ay sira ang bathtub ko. Nang madaan naman si Monica sa kwarto ko ay tinawag ko siya papasok.

"Monica, mag-utos ka nga sa mga tauhan ni papa na ayusin ang bathtub ko. Doon nalang ako maliligo sa kabilang kwarto," paliwanag ko at agad namang tumango si Monica at umalis.

Lumabas na ako ng kwarto at sa tapat na kwarto ako naligo. Nakababad na ako ngayon sa bathtub habang nakapikit.

Ang sarap ng tubig dahil maligamgam, ang sarap matulog nang ganito. Nang humikab ako ay biglang bumukas ang pintuan. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita ko si Arturo.

Mas lumubog pa ako sa tubig dahil bahagyang kita ang aking dibdib. Bakas sa mukha niya ang matinding pagkagulat.

"Ano bang ginagawa mo rito, Arturo!" inis kong tanong sa kan'ya. Ilang segundo bago siya nakapagsalita.

"S-Sabi kasi ng katulong niyo ayusin ko ang sirang bathtub," giit niya at nangunot naman ang noo ko.

"Sa kwarto ko, Arturo! Hindi rito! Lumabas kana nga, nakapabastos mo talaga!" sigaw ko sa kan'ya. Palabas na sana siya nang makarinig kami ng yabag mula sa labas.

Nanlaki naman ang mga mata ko. Nako, anong gagawin ko? Agad kong hinila ang kamay ni Arturo at agad siyang bumagsak sa bathtub.

Nagulat siya sa ginawa kong iyon, lumubog siya sa tubig at medyo naipit naman ako. Pero tiniis ko iyon, tiniis din ni Arturo ang hindi huminga.

Mayamaya lang ay pumasok si mama sa loob. Ang bilis naman yata niya nakabalik? Anong ginagawa niya rito?

"M-Mama?" takang tanong ko at agad niya akong tinaasan ng isang kilay. Napa-krus ang mga braso niya habang deretsong nakatingin sa akin.

"Ano itong kaartehan mo? Bakit pinalayas ng papa mo si Gabriel?" pagalit niyang tanong sa akin at nangunot naman ang noo ko.

"Mama, sinubukan niya akong i-rape! Isang rapist si Gabriel. Bakit parang mas pinagtatanggol mo pa siya kaysa sa'kin? Ako ang anak mo," katwiran ko at para bang umuusok na ngayon sa galit ang ilong niya.

Bahagyang gumalaw si Arturo sa ilalim. Matagal na siyang nasa ilalim. Kailangan ko nang mapaalis si mama.

"Magiging mag-asawa na kayo. Natural lang na bigyan mo siya ng kaligayan!" sigaw niya sa akin. Bigla akong nadurog. Paano niya nasasabi sa akin ang mga ganitong bagay? Para bang hindi niya ako anak.

"Umalis na kayo, mama." madiin kong sabi. Magsasalita pa sama siya ngunit agad ko iyong pinutol. "Umalis na kayo." dagdag ko pa.

Lumabas siya at ibinagsak niya ang pinto. Agad kong binuhat paangat si Arturo pero pikit na ang kan'yang mga mata.

Nanlaki ang mga mata ko sa takot, "Arturo!" pabulong kong sabi ngunit hindi niya minumulat ang mga mata niya. Tinapik-tapik ko siya ngunit hindi siya rumerisponde.

When the Falls, Fell Into My ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon