CHAPTER 19

22 4 0
                                    

Para libangin ang sarili ko ay pumunta ako sa Rancho kinabukasan. Nilinis ko ang wrangler ko at pinaliguan ko rin si Apollo.

"Nabalitaan ko po ang nangyari," paninimula ni Peter habang tinutulungan ako. "Bumalik nanaman pala ang asungot," dagdag niya pa at hindi ko naman maiwasan ang matawa.

"Wala eh, mas anak pa siya ni mama kesa sa akin. Ang akala ko ay magiging kakampi ko na si papa, pero wala eh. Pinili niya rin na manatili si Gabriel dito. Hindi ko alam kung ano ba ang pinakain sa kanila ng lalaking 'yan," paliwanag ko.

"Hindi parin po pala nakakabalik si Arturo. Ang hirap din po kasi kumilos mag-isa rito sa Rancho. Kulang na po sa tao. Sakto na po kasi ang mga magsasaka sa palayan, hindi ko naman po sila pwedeng istorbohin doon," paliwanag ni Peter.

"Hayaan mo, narito naman ako para tulungan ka, Peter. Isa pa wala naman na akong ginagawa kaya gusto kong libangin ang sarili ko, ayokong ma-stress kakaisip ng mga problema ko," paliwanag ko at natapos naming paliguan si Apollo.

Naupo ako sa bench nang matapos naming paliguan si Apollo. Ngayon ay pinapanood ko si Peter na paliguan ang ibang kabayo.

"Oo nga pala, Peter. Gusto kong sumama sa akin bukas?" pagyaya ko sa kan'ya.

"Saan naman po?" tanong niya at lumingon sa akin.

"Manonood ako ng gig bukas sa Gitzie Bar. May gig kasi mga kaibigan ko, gusto kong kasama ka para makapag-enjoy ka naman. Hindi yung puro rito nalang umiikot ang oras mo," paliwanag ko at umiking si Peter.

"Hindi naman po ako pwedeng umalis dito," sagot niya.

"Ako ang bahala, huwag kang mag-alala," sabi ko at tumango na lamang siya. Medyo kinakabahan pa siya, magpapaalam naman ako kay papa. Sana lang ay pumayag.

Matapos ng maghapon kong pamamalagi sa rancho ay hindi ko nakita si Gabriel. As usual, may inutos si papa sa kan'ya.

Dumeretso ako sa opisina ni papa at mabuti dahil naabutan ko siya roon, "Bakit?" bungad na tanong niya sa akin.

"Magpapaalam lang po sana ako, papa," paninimula ko at hindi naman siya nagsalita. Nanatili siyang nakatingin sa akin.

"May gig po kasi bukas yung mga kaibigan ko. Inimbitahan po nila akong manood sa Gitzie Bar po," maayos na paalam ko.

Matagal bago nakasagot si papa, "Arturo is not here, pati na rin si Gabriel ay wala. Wala kang makakasama," paliwanag niya at umiling ako.

"Gusto ko po sanang isama si Peter. Gabi naman po iyon, papa. Wala na pong trabaho noon si Peter," paliwanag ko.

Ilang segundo bago nag-desisyon si papa, "Sige. Huwag ko lang sana mababalitaan na may kaguluhan kang nakasangkutan," paliwanag niya at napaliwanag naman ako.

Iniisip ko yung nangyari sa Costa Mesa, alam ni Gabriel ang nangyari. Sana lang ay hindi umandar ang pagiging pabida niya.

"Salamat po, papa."

Bago pa man ako lumabas ng opisina ni papa at pumasok si mama. Narinig niya ang pagpapaalam ko kay papa.

"Enjoying your single days?" nakangiting tanong niya sa akin. Hindi naman ako nakapagsalita at tumango lang ako.

Hindi naman na siya nagsalita kaya nilagpasan ko na siya. Bigla nanaman akong nawala sa mood kaya dumeretso ako sa kwarto ko, hindi na ako ulit humaba para kumain. Hinatiran nalang ako ni Aling Clara.

Umiling ako at hintayin ang gabi ng bukas. Buti nalang din dahil hindi ko makakasama si Gabriel. 

Kinabukasan ay sinabihan ko si Peter, tinapos na niya ang nga kailangan niyang gawin para walang masabi sila mama at papa.

When the Falls, Fell Into My ArmsWhere stories live. Discover now