Nagmamakaawa

806 57 13
                                    

Nagmamakaawa

By GeniusMonkey


'Di ko na kaya ang kalungkutang ito

Malungkot ang mawalay sa iyo;

Nakatingin, tulala lang sa malyo

Pagkat sinaktan mo ang aking puso.

Sa buwan ay humiling na ika'y makita

Nang masilayang muli ang iyong mukha

Bakit kaya hindi pa iyon binibigay?

Tanging ikaw ang mahal ko sa buhay.

Ano ba ang aking nagawang kasalanan?

Para ako ngayon ay iyong parusahan.

Ganito ba talaga kasakit magmahal?

Bakit ba hindi nalang ito pinagbawal?

Kung di ka nakilala ako kaya'y masaya?

Kaligayahan ay sa iyo ko lamang nadama,

Mahal kita ito ang utos ng tadhana,

Ako ngayon sa iyo ay nagmamakaawa.

Poems of a Broken HeartWhere stories live. Discover now