Huwad na Pag-ibig

427 30 5
                                    

Huwad na Pag-ibig

By sweetprettyme15

Minsan lang ako humanga

Sa ganda mo'y namangha

Ang saya ko noong araw

Noong wala pang kaagaw

Tibok ng puso'y mabilis

'Di ko na ito matitiis

Pero nang ika'y lumayo

Ang puso ko'y nabigo

Huwag ka nang magpakita

Hindi-hindi ako maaawa

Pagkat huli na ang lahat

Ako'y nagising at namulat

Huwad pala ang pag-ibig mo

Ito'y mapusok at di totoo.



Poems of a Broken HeartWhere stories live. Discover now