Sabihin Mo!

169 9 3
                                    

Sabihin Mo!

By GeniusMonkey


Ang bawat araw ko noo'y masaya,

Ngayo'y isa na lamang itong alaala

Nasanay akong palaging magkasama

Nangakong tayo'y para sa isa't-isa.


Ang buhay ko'y puno ng pagdadalamhati

Ang puso ko'y iyong biniyak at hinati!

Ikaw lang ang nasa isip ko palagi,

Sa sulok umiiyak at minsay ngumingiti.


Gusto ko sanang bumalik sa nakaraan,

Para aking ibahin ang kasalukuyan

Ang iyong mga kamay ay aking hahawakan

Nang sa gayo'y hindi mo na ako iiwanan.


Ikaw lang para sa akin ang mahalaga

Pero paano kung dati pa'y wala ka na?

Buhay ko'y malungkot at walang pag-asa,

Sabihin mo! Paano ko ba ito makakaya?

Poems of a Broken HeartWhere stories live. Discover now