Mahal Kita

242 13 17
                                    

Mahal Kita

By GeniusMonkey


Mahal ko, mahal na nga talaga kita,

Hindi ko alintana kung sino ka pa

Wala akong pikaalam sa iyong nakaraan

Ang alam ko'y mahal kita sa kasalukuayan.


Mahal ko, oo, mahal na talaga kita,

Kahit sabihin mong ika'y may anak na;

Hindi ko ikakahiya ang pag-ibig ko sa'yo,

Mahal kita, ito ang sinisigaw nitong puso.


Mahal ko, sana ay pagbigyan mo ako,

Buhay ko'y iaalay para lang sa iyo

Ako'y maghihintay na iyong sagutin

Pagmamahal mo ang aking dinadalangin.

Poems of a Broken HeartWhere stories live. Discover now