7:30 in the Morning

846 67 6
                                    

7:30 in the Morning

By GeniusMonkey


Pag-gising ko ay uminom ng kape, Inisip agad ang mga nangyari

Bumalik ang lahat ng iyong sinabi, ako ay hindi mapakali

Ako'y nagdurusa sa isang tabi, hindi makatulog tuwing gabi

Ang sakit pa nga ng mga mata, patuloy pa rin ang pag-luha

Ang saklap naman talaga, dahil sa iyo'y nagpakatanga

Nakita ko sa iyong mga mata, na ika'y hindi na masaya

Kaya wala na akong magagawa kundi ang pakawalan na kita

Masakit man ito para sa akin, kailangan ko itong tiisin

Pagkat mahalaga ka pa rin, hindi ko man ito maamin

Gusto ko mang ika'y mahalin, puso mo'y hindi na sa akin

Maging masaya, ito ang panalangin, minsan ako'y iyong isipin.

Poems of a Broken HeartWhere stories live. Discover now