Ang Tanga Kong Puso

173 11 8
                                    

Ang Tanga Kong Puso

By GeniusMonkey



Tanga! Tanga! Tanga!

Ang tanga ko talaga!

Kahit cellphone ay nakakalimutan!

Pambayad ko sa jeepney ay kulang!

Dahil pitaka ko'y naiwanan!

Ngunit bitbit pa rin ang larawan

Kuha ko noong ako'y iyong iwanan

Ala-alang tumatak sa isipan

Ala-alang kay sarap balikan

Ala-alang gusto kong kalimutan!

Dahil puso ko ngayo'y sugatan...

Pero akoy tanga! Tanga! Tanga!

Kinalimutan ko na ang lahat

Pero bakit hindi pa rin sapat

Ako pa rin ay hindi karapatdapat

Binigay ko naman ang lahat

Ako nga ay nagpaalipin sa iyo

Kaya ngayon ang gulo ng isip ko,

Hindi nakakapag-isip ng matino,

Pagdating ko pa sa opisina

Ako'y napagalitan pa

Lintik! Ako nga ay tanga!

Malas! Bakit nasa isip pa rin kita!

Tama! Nagiging tanga na naman ako!

Isinilang naman akong matalino

Pero bakit ganito?

Ako'y nagpaloko,

Sa taong kagaya mo!

Tanga! Ito ang narinig ko

Bakit sa dinami-dami ng babae sa mundo

Bakit ikaw pa daw ang nagustuhan ko!

Tanga! Ito ang narinig kong sabi nila!

Isang malaking pagkakamali ang ibigin ka.

Pagkakamaling labis kong pinagsisihan

Dahil ngayon ikaw ay biglang lumisan.

Parang isang panaginip ako'y nagising

Umuwing luhaan parang isang lasing

Dumadaing,pagkat pag-ibig mo'y sinungaling,

lumuluha at napapailing,

Kahit pa ulitin ang mga sandaling

Kasama ka at sa bisig ko'y kapiling!

Di ko na alintana ang mga luha

Na pumapatak mula sa aking mga mata

Ako'y naging tanga

Pagkat minamahal pa rin kita.

Poems of a Broken HeartWhere stories live. Discover now