Umuulan na Naman

422 29 11
                                    

Umuulan na Naman

By GeniusMonkey

Ang dilim ng kalangitan

Puso ko'y laging nasasaktan

Kumulog at biglang umulan

Ako ay nagdurusa't luhaan

Di napapawi ang kalungkutan

Isipin ka'y 'di ko maiwasan

Pumatak na ang mga luha ko

Ito'y dahil sa ginawa mo

Maghihilom ba sugat sa puso?

Kung sa huli ako'y susuko?

Ikaw'y makulimlim na langit

Siyang dahilan nitong sakit

Ang buhay ko'y naging mapait

Pag-ibig mo'y sadyang malupit

Sana'y tumila na ang ulan

At mawala itong nararamdaman

Poems of a Broken HeartWhere stories live. Discover now