Ayoko nang Magmahal

896 82 12
                                    

Ayoko nang Magmahal

By GeniusMonkey


Ayoko na! Di ko na kayang magmahal

Ito'y aking hangad at ipinagdarasal

Dahil ang sakit-sakit ng puso ko

At di ko na kayang mabuhay sa mundo.


Bakit ba kasi tayo'y nagkakilala pa

Di na sana ako nasaktan at umasa!

Pero sa maikling panahon ako'y masaya

Mga sandaling ikaw at ako'y magkasama.


Minahal kita sa 'di tamang pagkakataon

Ako'y nagpatangay sa agos ng emosyon

Paano kaya kita makakalimutan sinta

Kung ikaw ang hanap nitong mga mata.

Poems of a Broken HeartTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang