1 A.M.
by GeniusMonkey
Nilalamok na ako sa kaiisip sa 'yo! Talagang ang labo mo!
Bakit pa kasi ikaw ang minahal ko, sumasakit tuloy ang ulo,
Ako ngayo'y nagdarasal, sanay ako'y iyong minamahal
Pero ang mukha mo'y makapal, ang sama ng iyong asal
Ginawa ko naman ang lahat, kahit sa lamok ay nagpakagat
Pag-ibig mo ay napakaalat, gumawa pa naman ako ng sulat
Pero sa huli ako ay nagulat, tunay na pag-ibig ay di sapat
Napa-iling na lang ako, sinaktan mo kasi ang aking puso
Gumuho tuloy ang aking mundo, pati kinabukasan at mga plano
Pero ito ang aking pangako, ako ngayo'y magpapakatino
Magsisikap na sa aking buhay, pagkat minamahal kitang tunay
Sana ay maging matiwasay, at ikaw ang aking kaagapay
Hanggang sa ako'y mamatay, wagas na pag-ibig ang alay
Pero ano ang ginawa mo? Ika'y lumisa't nagpakalayo
Dinurog ang sugatang puso, kaya napa-iyak na lang ako
Pag-ibig mo pala'y di totoo, ako ang dakilang uto-uto,
Ang malas ko talaga! Minahal kita! Ako'y naging tanga!
![](https://img.wattpad.com/cover/11695359-288-k880925.jpg)
YOU ARE READING
Poems of a Broken Heart
PoetryA Collection of Sad and Lonely Poems... Poems that would make you relive the Past... Poems that would make you recall you Pains... Poems that would make you realize that... Once in our lives we've experience Sadness... Because we've fallen in Love...