Paalam na sa Ala-ala

630 41 15
                                    

PAALAM NA SA ALA-ALA

by Em_Gee_E

Masaya ako sa inyong dalawa

Lalo na't alam kong mahal niyo ang isa't-isa

Wag kang mag-alala

Wala akong balak na agawin ka sa kanya

Ipangako mong maging masaya ka

Kahit na para sa akin, ang sakit sakit na

Kitang kita ko naman ang saya sa mata mo

Ngunit di ko lang mabasa ang expresyong ipinapakita mo habang nag-uusap tayo

Di ko naman aakalaing mamahalin mo siya ng ganun

Lalo na't nung niligawan mo ako, hinihintay ko pa ang tamang panahon

Takot ako, Oo

Ayaw kong pumasok sa ganun baka masaktan lang ang puso ko

Gusto kita, sana malaman mo

Ngunit huli na dahil wala nang pag-asang maging tayo

Lalayo na ako para mag-move on

Sana nga at posible yun

Poems of a Broken HeartWhere stories live. Discover now