Sa Wakas

145 12 4
                                    

Sa Wakas

By GeniusMonkey


Ito na ang huling tulang gagawin ko

Pagkat napagod na rin ang aking puso

Na umiyak at magpakatanga para sa'yo

Na maghintay at umasa sa isang pangako.


Ito na ang wakas at kahuli-hulihan

Sa mga tulang aking pinaghirapan

Pagkat ika'y tuluyan nang lumisan

At ako ngayo'y nag-iisa't luhaan.


Paalam na sa mga masasayang ala-ala,

Mga pangarap na binuo nating dalawa

Baka bukas, ngayon o sa makalawa,

Sa wakas ika'y aking kakalimutan na.

Poems of a Broken HeartWhere stories live. Discover now