At 12 Midnight

796 68 8
                                    

At 12 Midnight

By GeniusMonkey


Hating gabi at ako'y gising pa rin, nakatingin sa salamin

Hindi alam ang gagawin, nakikinig sa mga awitin,

Nasasaktan ang damdamin, ikaw pa rin, di ko na kayang tiisin.

Kaya pinatay ko na ang radyo, tulad ng ginawa mo,

Sinaktan mo ang aking puso, ngayon ako'y litong-lito,

Isip ko'y gulong-gulo, bakit minahal ang isang tulad mo?

Lumabas muna ako saglit, para sa isip ko'y mawaglit,

Kay saklap ng aking sinapit, pag-ibig mo'y napakalupit

Napuno ako ng galit, sobrang pait, nitong aking sinapit.

Mag-uumaga na pala, ikaw pa rin ang nasa ala-ala,

Sana'y di ka na lang nakilala, baka ako ngayo'y masaya,

Tandaan mo ito sinta, mahal kita, higit sa iyong inaakala.

Poems of a Broken HeartWhere stories live. Discover now