CHAPTER 1: VACATION

577 8 0
                                    

• NICOLE POINT OF VIEW•

                    (INTRODUCTION)

" Nic! Oy Nic! "

" Oh, bakit na naman Laika? " Agad na bumaba siya sa tricycle at niyakap ako ng mahigpit na parang hindi na talaga kami magkikita. Natawa ako at mahinang hinampas ang likod niya.

" Sira magkikita pa naman tayo tsk! Magbabakasyon lang ako sa probinsya huwag ka ngang oa hahaha."

" Eh kasi naman Nic mamimiss kita ng bongga. " Ngumuso pa ito kaya natawa ako at napairap sa kaniya.

" Babalik naman ako.lkaw talaga akala mo naman mawawala ako ng maraming taon." parang bata itong ngumuso-nguso at napapadyak-padyak.

Saglit na kinuha ko sa loob ng apartment ko ang isa kong bag na naglalaman ng mga damit ko. Napabuntong hininga ako at umiling nang makitang nakanguso parin ang kaibigan ko na parang ayaw niya talagang umalis ako.

" T-teka Nic, nagpaalam ka ba kay Steve na aalis ka? "

Natigilan ako sa tanong niya at tiningnan ang kaibigan ko sa mata bago marahang umiling. " Seriously girl ni hindi ka man lang nagpaalam sa boyfriend mo? Ang bad mo naman walang ganiyanan baka magtampo si Steve." Napairap ako sa kawalan.

" He's busy, Laika.Tsaka alam mo naman ang isang iyon  kapag walang klase palagi siyang nasa company nila may rehearsal siya ngayon.You know his mother napaka-strekto niya ayaw kong sumingit pa sa oras ni Steve." Habang sinasabi iyon hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot.

" Peru Nic maghahanap iyon sayo.Dapat kasi nagpaalam ka muna."

" Ayaw kong makasturbo sa kaniya.Itetext ko nalang siya mamaya alam ko na maiintindihan niya iyon."

" Bahala ka.Basta sinasabi ko sayo Nic baka magtampo iyon sayo."

Napabuntong hininga ako at naisip si Steve, seguro babawi na lamang ako?

Steve and I have been in a relationship for 3 years and it's sad to say that our relationship is hidden from his parents and even from my parents. For 3 years, our relationship has been okay even though he has a limit every time he spends with me.Hindi naman masyadong strekto ang mga magulang ko peru mas pinili ko din itago sa kanila ang pagkakaroon ng relasyon sa anak na mayaman.

Since then I've had a crush on Steve but I never expected him to be my boyfriend.Crush ko lang siya at si Laika lang ang nakakaalam no'n, ikinagulat ko nalang when he's friend told me na crush daw ako ni Steve peru hindi ako naninwala kaagad until one day he courted me.Unbelievable.

He confessed his feelings towards me umabot ng isang taon ang panliligaw niya  at sinagot ko siya, I really love him hindi ko siya sinagot dahil sa estado ng buhay niya, hindi ko siya sinagot dahil mayaman ang pamilya niya.Hindi ako mukhang pera pagmamahal ang nanaig sa puso ko kaya ako pumayag makipagrelasyon sa isang Steve.

He's clingy and lovable person.I always understand him kahit minsan lang siya maglaan ng oras at kadalasang patago pa, kailangan kong panindigan kasi ginusto kong pumasok sa komplikadong relasyon na 'to.Kahit minsan lang kami magsamang dalawa hindi iyon naging problema sa'min because we understand each other.

" Nic, kapag nakarating kana sa inyo mag-text or tumawag ka para malaman kong safe kang nakarating." Napangiti ako sa sinabi ni Laika at tumango. " P-peru hindi mo man lang ba kikitain ngayon si Steve? " Napanguso ako.

" Sinabi ko na sayo na busy siya sa company, Laika.Tsaka kahit sabihin kong aalis ako malabong mapuntahan niya ako dahil sure akong binabantayan siya ng tauhan ng Mommy niya."

HER MERCILESS HUSBANDWhere stories live. Discover now