CHAPTER 31 : THEIR CHILD?

249 6 0
                                    

I wore a fitted plum-colored dress that accentuated the curves of my body, with an open back that revealed a glimpse of my skin, and a stripe on my thigh that showcased my white and smooth legs.

I smiled at the mirror.Ngayong gaganapin ang Industry Awards Gala, at bilang CEO ay makakatanggap ako ng award and I'm sure ganon din si Steve.

I am very excited to see him at ang Francisca na iyon kumusta na kaya sila? Si Madam Luciana?

Napabuntong hininga ako at sinuri ang katawan ko habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin.

It's good to see the dress I'm wearing that fits my body, I'm proud of myself cu'z I've achieved something I didn't expect to happen, like becoming the CEO of my Grandpa's company.

I didn't expect that despite my hardships this will be the result.Ang akala ko pa naman kahit makatakas ako kay Steve ay mahahanap at mahanap niya ako dahil makapangyarihan siyang tao.

Good thing na nakilala ako ni Grandpa.

" Nic are you done? Whoah! Amazing you're very gorgeous." Napangisi ako nang mapatingin ako sa mukha ko mula sa salamin.

" I'm sure handa kana rin na makita sila no?"

" Of course Laika, matagal na akong handa."

Napangisi din ito at pumalakpak na tila proud na proud sa'kin.Gusto kong ipakita sa kanila lalo na kay Madam Luciana kung ano ako ngayon.

Hindi ko malilimutan kung papaano niya ako minaltrato ng hindi tama, kung papaano niya maliitin ang buong pagkatao ko.Ganon din kay Steve na walang ginawa para pahirapan ako.

Nagngingitngit ako galit kapag naaalala ko ang dinanas ko sa kamay nila, dinurog nila ako ng paulit-ulit at ang masakit doon ay nagawa nilang pabayaan ang ipinagbubuntis ko, si Steve kailangan na kailangan ko siyang noong dinugo ako pero ano ang ginawa niya?

Iniwan niya lang ako.Wala siyang pakialam kahit mawala ang anak niya.Ipinapangako ko na hindi niya mahahawakan ang anak ko, ang anak niya na itinanggi niyang hindi niya kadugo.

Bago ako umalis ay sinilip muna namin ni Laika si Baby Nix na mahimbing na natutulog sa crib niya.May bantay naman siya ang Yaya niya pero madalas ay si Mama ang nagbabantay sa kaniya o di kaya ay ang dalawa kong kapatid.

" What if nagising na sa katotohanan si Steve? Baka bawiin niya ang anak mo remember may karapatan parin siya." Nagtiim baga ako sa sinabi ni Laika.

" Dadaan muna siya sa'kin bago niya makuha ang anak ko.Kasalanan niya ang lahat dahil naging bulag siya sa katotohanan." Malamig kong nilingon si Laika at kinuha ang anak ko bago ko ito halikan sa noo.

' Akin lang ang anak ko.'

" Itatago ko siya kay Steve." I said na tinanguan lang niya.Kinausap ko ang Yaya na pagbutihin ang pagbabantay at pag-alaga sa anak ko habang wala pa ako sa mansion.

Bumaba narin kami ni Laika at lumabas.Bumati pa ang iilang kasambahay na nginitian ko lang, dito kasi sa mansion pamilya ang turingan namin iilan lang din ang kasambahay na Pinoy at ganon din sa ibang staff.

" Thank you."

Ngiting pasasalamat ni Laika sa dalawang naka-escort sa amin na halos ka-edad lang namin.Tahimik narin ako sa loob ng sasakyan habang nakatingin ako sa labas, sabi ni Spencer nauna na siya sa venue at doon na niya kami hihintayin.

" You know what I'm not excited."

Malamig kong nilingon si Laika sa tabi ko at tinaasan siya ng kilay.Katulad ko ay nakaayos din siya at nakasuot ng red dress na bumagay sa katawan niya.

HER MERCILESS HUSBANDWhere stories live. Discover now