CHAPTER 9: SORROW

201 5 0
                                    

 

WARNING: R18

Abala ako sa pag-aayos ng mga gamit ko sa bagong apartment ko nang may biglang kumatok ng sunod-sunod, hindi ko pa naman nabuksan kaagad kaya mas narinig ko na mas nilakasan niya ang pagkatok na parang gusto na nitong sirain ang pintuan ng apartment ko.

" S-sandali lang po."

Nagmadali akong lumapit sa pintuan at nang buksan ko iyon ay napaatras ako nang makita ang galit na galit na mukha ng isang babae.

Ang Mommy ni Steve.

"  What did you say to my son? Did you report what I did to you?   "

" P-po? "

Nagtatakang tanong ko habang nakatingin sa galit na galit niyang aura.

Umiling-iling ito at ngumisi kasabay no'n ay tinuro-turo ako habang ang kaniyang tingin ay may galit at pagbabanta na sobrang nakakatakot.

" Binabalaan kita babae sa oras na nagsumbong ka hindi mo ulit magugustohan ang kaya kong gawin sayo.Try to tell Steve everything I did to you and I will make sure you and your whole family will suffer." Pagbabanta nito at may diin habang sinasabi iyon.

Napabuntong hininga ako at tiningnan siya sa mata. " Wala po akong g-ginagawa.Alam ko na galit sayo si Steve at hindi kayo mag-kaayos pero po wala po akong balak na siraan ka pa sa kaniya.Hindi ko po intensyon na mas lalong magalit sa inyo ang anak mo Madam."

" Good.Binabalaan lang kita at salamat dahil sumunod ka sa usapan.Don't even try to get close to my son, avoid him and if you have to hurt his feelings then do it until he will leave you." napaawang ang labi ko sa sinabi niya.Nasaktan ko na nga siya at gagawin ko pa ba iyon?

Seriously?

Anong klase siyang Ina? Talagang gusto niyang madurog ang anak niya? Awang-awa na ako kay Steve naguguilty nga ako na sinaktan ko siya and this time tama na.Iiwasan ko lang siya at hindi na ako gagawa ng bagay na ikakasaktan ni Steve, I already hurt his feeling.

" Do your best para tumigil na ang anak ko. I know that he is still chasing you. Whatever I ask you to do then do it, you don't want to suffer again and your whole family, right?" napalunok ako habang nakatitig sa kaniya, ngumisi ang labi nito nang makita ang pagtango ko.

" Yes po, don't worry lalayuan ko na siya basta po wala kayong gagawin lalong-lalo na sa pamilya ko."

" Madali naman akong kausap babae." then she left kaya sumunod narin ang bodyguard niya, frustration akong napaupo sa kama at hindi namalayan ang pagtulo ng luha ko.Ganito seguro kapag mahirap ka lang kayang-kaya nilang kontrolin ang buhay mo, maging ang bagay na nagpapasaya sayo.

                        #####

" Alam mo Nic sobrang sama talaga ng Mommy ni Steve parang halimaw.Mali, halimaw talaga siya." puno ng pagkadismaya ang boses ni Laika at nagpatuloy sa pag-inom.

Iwan ko ba dito sa kaibigan ko ang sabi ko gusto kong makalimot tapos dito niya ako dinala sa bar na 'to eh siya lang din naman ang naglasing, parang siya talaga ang problemado at gustong makalimot sa sakit ng puso niya.

" Hoyy uminom ka naman, paano ka makakalimot niyan kay Steve, ha?"

" Alam mo naman na hindi ako sanay, Laika. Bakit ba kasi dito mo ako dinala? "

" Bruha mas maganda dito, ito inumun mo huwag kang maarte! " Inilahad niya sa akin ang isang baso ng beer na hindi ko alam kung anong exact ng pangalan ng beer.Ngumingiwing ininom ko iyon at agad na gumuhit sa lalamunan ko.Ang sakit sa lalamunan.

HER MERCILESS HUSBANDWhere stories live. Discover now