CHAPTER 11: DARKNESS TO SHINESS

192 4 0
                                    

NICOLE POINT OF VIEW

Nakatingin sa malawak na kawalan at hindi namalayan ang pagtulo ng luha ko.Napasinghot ako at nang hawakan ang aking mukha ay basang-basa na pala ito dala ng luha na kumawala sa aking mata.

Nagbaba ako ng tingin at nahawakan ang manipis kong tiyan, sa loob nito may buhay ng tao na bunga ng kagagawan ni Steve.

Kahit kailan ay hindi ko siya sinisi seguro normal lang na magalit ako sa kaniya subalit mas nanaig parin ang pagmamahal ko sa kaniya.

Ang daming tanong na nabubuo sa utak ko.

Paano ko makakayanan ang lahat?

Napasinghap ako at hindi maiwasang maawa sa anak ko my baby grew up without a father.Dala narin seguro  ng pagbubuntis ko kaya napakaemosyonal ko ngayon.

Hindi muna ako pumasok sa University dahil inaatake ako ng pagkahilo at palagi akong naduduwal.

Ayaw pa sanang pumasok ni Laika sa University subalit pinilit ko siya ayaw kong maging pabigat tsaka kahit mag-isa ko ay kaya ko naman, ang inaalala lang nila ni Spencer baka daw may gawin akong masama.

Ano ba ang iniisip nila?

Na ilalaglag ko ang anak ko?

Iyon ay hindi ko magagawa, hindi ko man gustong mabuntis ng maaga pero hindi ibig sabihin no'n ay ilalaglag ko na ang anak ko palalakihin ko siya ng maayos sa abot ng aking makakaya.

Bumalik ako sa loob ng kuwarto at nahiga hindi ko narin namalayan ang paligid ko dahil nakatulog ako kaagad.

Nang magising ako ay hindi parin
nakakauwi si Laika bigla akong napabangon sa pagkakahiga at tumakbo sa banyo para sumuka.

Inatake na naman ako ng pagkahilo at nag-iikot ang paningin ko.Hawak ko ang sentido ko nang umupo ako sa couch at saglit munang nagpahinga.Umiling-iling ako nang sumagi na naman sa isip ko ang lalaking iyon.

Nic tumigil kana!

Bakit ganon? Ayaw ko na siyang maisip at alalahanin pa pero kusa siyang rumerihistro sa utak ko, ang mga ngiti niya ay tila nakikita ng imahinasyon ko, ayaw akong tigilan nito kaya mas lalo lamang sumasakit ang ulo ko.

Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Laika.May ipapabili lang ako dahil bigla akong natakam.

[" Nic?"]

Sagot ni Laika sa kabilang linya.Bagamat masakit parin ang ulo ko pero kailangan ko siyang kausapin at sana mabilhan niya ako.

" Laika, nandyan kapa ba sa University? "

[" Oumm papauwi narin ako, bakit Nic? "]

Kinagat ko ang labi ko at inayos ang pagkakaupo ko sa sofa medyo nawala na ang pagkahilo ko at hindi narin umiikot ang paningin ko.

" Laika, may ipapabili sana ako.Bilhan mo ako ng hilaw na mangga." Nakagat ko ang kabi ko dahil nahihiya ako sa kaibigan ko na iwan,simula nang malaman nila ang totoo do'n ako nahiya.

[" Oh, oo naman iyon lang ba?"]

" Tsaka g-gusto kong kumain ng medyo sweet."

Napatikhim siya sa kabilang linya. [" Cupcake ba or chocolate nalang?] Isa lang ang pinili ko iyong cupcake.Gusto kong kumain ng medyo maasim at sweet ganito ba kapag buntis? Weirdo.Nang patayin ni Laika ang tawag tsaka ko napagpasyahan mag-facebook.

Nang maalala na may connection parin kami ni Steve sa instagram account n'ya ay hindi ko maiwasang magtangkang bisitahin iyon.Nagdadalawang isip ako dahil oras na makita ko ang litrato niya baka maluha lang ako.

HER MERCILESS HUSBANDWhere stories live. Discover now