CHAPTER 8 : DISRUPTION

196 4 0
                                    

After I signed the agreement, I stopped communicating with Steve.

Mahirap man at masakit man sa akin iyon ay wala din akong mapagpipilian, mahal ko siya pero mahal ko din  ang pamilya at mga kaibigan ko ayaw kong maghirap sila ng dahil sa'kin.

Umuwi ako sa probinsya para puntahan si Mama at hindi naman na ako binigo ng Mommy ni Steve matapos ang agreement na iyon ay isa sa private hospital pala ang nag offer sa operasyon ni Mama.

Walang naging problema sa pera dahil libre na iyon.Tingnan mo nga naman ang nagagawa ng pera, parang magic lang.Ang bilis makaahon sa problema.

Umabot ng isang linggo ang pananatili ko sa ospital, ang hinihintay nalang namin ay makalabas na si Mama sa ospital naging matagumpay ang operasyon sa kaniya.

" Mama, hindi po ba kayo nagugutom?"

" Hindi anak.Mukhang kailangan mo munang magpahinga anak puyat na puyat ka." may pag-aalalang sabi ni Mama, ako kasi ang palaging nagbabantay sa kaniya at aminado ako na hindi ako nakakatulog ng maayos.Hindi komportable at idagdag pa na bumabagabag sa'kin si Steve.

" Mama, okay lang ako." ngumiti ako ng matamis at hinaplos ang kamay ni Mama, akmang magsasalita pa sana ito nang kapwa kami matigilan dahil sa pagtunog ng cellphone ko.It's Laika, ilang segundo akong natigilan bago tumingin kay Mama.

" Hindi mo ba sasagutin? Baka importante yan." kinagat ko ang labi ko at tumango.

" Wait lang po Mama." nakangiti pa ito nang lumabas ako sa  kuwarto at sinara muna ang pinto bago ko sinagot ang tawag ni Laika.

" Hello- "

" Nic, pasensiya kana sa sturbo pero k-kasi s-si..Steve."Kumunot ang noo ko.

" Nic."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang garalgal niyang boses sa kabilang linya.Umawang ang labi ko at ilang segundo ang lumipas ay napatikhim ako at umayos ng tayo.

" S-Steve? "

" What the fvck is your problem, Nic?Iniiwasan mo ba ako? "

There, the anger and sadness are obvious in his voice. I can't define what I'm feeling, I'm a little nervous and at the same time I can't help but feel guilty.Kailangan ko siyang makausap ng masinsinan at para narin putulin ang relasyon kung anuman ang meron kami ngayon.

" Nic, noong nakaraang araw pa kitang kinocontact pinuntahan kita sa apartment mo pero wala kana pala do'n? " Napalunok ako at nanghihinang sumandal sa pader.

" Why didn't you say that your apartment was going to be demolished?  Why didn't you say before that you were living with Laika.Hindi mo sinabi sa'kin ang mga nangyayari sayo. "

" Para saan pa Steve? "

" Nic I'm your boyfriend." May diin ang kaniyang boses na ikinapikit ko ng madiin.Bumuntong hininga ako at hindi namalayan ang pagpatak ng luha sa mata ko.

Nagmahal lang naman ako kahit alam kong hindi kami puwede ay mas pinili kong sumugal, pero ang sakit.Knowing that the person you love is you need to stay away from and avoid him.

" May problema ba sa'tin? Can you please me tell me."

" Steve wala akong ganang kausapin ka ngayon." Nagkukumahog kong pinatay ang cellphone at napatingin sa kawalan.Mabuti na lang hindi pa nagsalita si Laika tungkol sa plano ko.Kapag nakabalik ako tsaka ko siya kakausapin.

Bumuntong hininga ako at tinuyo ang luha sa pisngi ko, inayos ko ang sarili ko at muling bumalik kay Mama na naabutan kong nakatulog na pala.Dahan-dahan ang bawat hakbang at umupo sa upuan na nasa tabi ni Mama kasabay ng paghawak ko sa kamay niya.

HER MERCILESS HUSBANDWhere stories live. Discover now