CHAPTER 35: REPLACE

278 5 0
                                    

" Baby Nix b-buhay pala ang Kuya mo." Naluluhang sambit ko at nakatitig siya sa'kin." He's alive and I think kapag nakita ka niya alam ko na matutuwa siya." dagdag ko at kahit naluluha ay nakangiti naman ang labi ko.

Pinatawag ko sina Mama maging ang mga kaibigan ko para ibalita sa kanila ang tungkol sa panganay kong anak.

Sunod-sunod ang pagpatak ng luha sa mata ko at pinunasan iyon bago ko hinalikan si baby Nixon sa noo.

" Anak bakit mo kami pinatawag? T-teka umiiyak ka ba? " takang naitanong ni Mama malawak ang naging ngiti ko at tinuyo ang luha sa mata ko bago pa man makarating sina Laika at Spencer.

" Inaway ka ba ng anak mo, baby Nix inaway mo si Mommy?"

" Parang tánga."

Natawa si Laika at nag-peace sign. Si Spencer ay kinuha si baby Nix dahil lang naman sa anak ko na gustong pumunta sa kaniya, na-excite siya bigla nang makita si Spencer.

" Bakit ka kasi umiiyak, anak?"

" Umiiyak ng walang dahilan ganon, Nic?"

Umiling ako." May sasabihin ako sa inyo." kumunot ang noo nila." About my eldest son."  I spoke in a meaningful way kaya kuryusidad sila maging si Spencer na nakatingin kanina sa anak ko ngayon ay nalipat ang tingin niya sa gawi ko.

" Tungkol sa namayapa mong anak?" nagtataka si Laika." Bakit? Ano ang tungkol sa panganay mong anak, namiss mo ba siya? "masyadong madaldal si Laika pero umiling ako.

I smiled." He's alive, my eldest son is a live." I said happily and a smile spread across my lips. They looked at me in disbelief, maybe they thought I was losing my mind.

" Anak, anong pinagsasabi mo?" napailing-iling si Mama.Mukha ba akong nagbibiro?

" Nic naman ilang taon na ang lumipas hindi ka parin nakaka-move on sa panganay mong anak? Napaka-imposibleng mabuhay ang patay Diyos ko." Napakapa si Laika sa noo niya at si Spencer ay nanatiling nakakunot ang noo.

" Nagsasabi ako ng totoo." Tumayo ako mula sa pagkakaupo."My oldest son is alive, he is there with Steve, I know that you won't  believe because I was the same at the beginning, I didn't believe Steve that our oldest son is alive." the three of them looked at each other.

" Dahil kay Madam Luciana, siya ang dahilan kaya nahiwalay ako sa anak ko." nag-iinit ang sulok ng mata ko dahil naalala ko kung papaano niya ako pinagkaitan na magkaroon ng anak.Pinakita ko sa kanila ang DNA test maging ang information tungkol sa batang nakalibing na hindi ko pala kadugo.

" Oh my God! T-totoo nga."

" B-buhay ang apo ko?" nanginginig na napatakip si Mama sa bibig niya." B-buhay siya h-hindi totoong namatay siya."

Nanlaki ang mata ni Mama she can't believe sa mga nakikita niya hawak ko ang pruweba na hindi ko anak ang nakalibing at ang bata kay Steve ay iyon ang panganay kong anak.

" When I gave birth to my child, they replaced it with another baby." Hindi parin sila makapaniwala, si Spencer ay napailing-iling sa nalaman." Madam Luciana was a friend of the Doctor of that hospital so they easily twisted our minds." nakita ko na nagalit si Mama.

" Sumusobra na talaga ang babaeng iyon! Ang dami na niyang atraso sayo anak." nilapitan ko si Mama dahil pagkatapos no'n ay siyang paghawak niya sa dibdib niya."Kakarmahin din siya sa ginawa niya sayo at sa paglayo niya sa apo ko."

Niyakap ko si Mama hanggang sa napaluha kami sa galit dahil kay Madam Luciana patong-patong na ang nagawa niyang kasalanan kaya ang hirap sa'kin na patawarin siya.
----
" So kailan ko makikita ang apo ko?"

HER MERCILESS HUSBANDWhere stories live. Discover now