CHAPTER 28: TORMENTS

219 4 0
                                    


WARNING: R.18 [slight SPG]

NICOLE POINT OF VIEW

" Flirting again with that fvcking man huh?!How many fvcking times do I have to tell you stay away from him!"

" S-Steve, wala naman kaming ginagawang masama.Kaibigan ko si Spencer at hindi lang siya ang p-pinuntahan ko do'n."

Hindi niya pinansin ang mga tauhan niyang nakatingin sa amin at nagpatuloy habang madahas niyang hinahatak ang kamay ko patungo sa loob ng mansion.Pabalang niya akong binitawan na muntik kong ikabagsak mabuti nabalase ko ang katawan ko.

" Anong bang problema mo ha?! Bakit kahit paulit-ulit kong sabihin sayo na kaibigan ko lang si Spencer ay hindi mo parin magawang paniwalaan ako?!"

" You are fvcking liar, Nic! "

Sigaw niya habang tinuturo ang mukha ko, nakita ko kung papaaano umalis ang iilang kasambahay dahil narin seguro sa takot na baka madamay sila.Kinukurot ang puso ko habang nakatingin sa galit na galit niyang mukha.

" K-kailan mo marerealize na kahit kailan ay hindi ako nagsinungaling sayo? N-nagsasabi ako ng totoo pero bakit ayaw mo akong paniwalaan?" natawa siya ng pagak at kita ko kung papaano mamula ang kamao niya na mahigpit na nakakuyom, ang panga niya ay umiigting na at ang mata ay namumula sa galit.

" Hindi mo ako mapapaikot sa mga kasinungalingan mo. You really miss him huh? Tell me, did you fvcking pleasure him did he satisfy you? Nasarapan ka ba?"

Para akong sinaksak sa puso.

" Tell me! "

" Oo! Ano masaya kana ba?" naikuyom ko ang kamao ko." Tutal ito naman ang gusto mong marinig at ito din naman ang pinaniniwalaan mo! Magaling siya sa kama Steve sobrang galing! Mas masarap siya ano masaya kana ba ha? Mas magaling siya Steve mas magaling kaysa sayo-"

" Fvck stop it!"

Galit niyang itinaas ang kanang palad niya at aktong sasampalin ako, hinanda ko ang sarili ko at ipinikit ang mata ko hinihintay ang pagdampi ng palad niya sa pisngi ko.Nanginginig ako sa galit pero mas matindi iyong galit niya.

" Fvck! I hate you! "

Hindi niya itinuloy ang plano niyang sampalin ako nanginginig na siya sa sobrang galit at nandidilim ang mukha na dinampot ang mamahaling vase at pinagbabasag iyon lahat na ikinapitlag ko.

Nakita ko pa sina Manang na gustong lapitan ako pero umiling lang ako ayaw kong may madamay sa galit ni Steve sa'kin.Nang mapatingin kay Steve mas lalo akong natakot sa aura niya para siyang nasisiraan ng bait.

" Aahh fvck! "

Nagwawala niyang sigaw habang pinagbabasag ang mga babasaging bagay na nakadisplay sa living room niya.

Napuno ng luha ang mata ko at sobrang sikip na ng dibdib ko hanggang sa galit niyang pinagsusuntok ang dingding na ikinaalarma ko ng husto.

" Fvck! Fvck! Fvcking shít!"

" Steve p-please...Please tumigil kana! "

Ayaw ko siyang nakikitang nagkakaganito lalo na sa ginagawa niya ngayon.Sinasaktan na niya ang sarili niya at parang ang hirap sa'kin na makita siyang umaakto siya ng ganito.

" Steve tama na! "

Pinigilan ko siya dahil wala siyang pakialam kahit nag-aalab na sa dugo ang kaniyang kamao tila hindi niya alintana ang sakit.Umiiyak na umiling-iling ako habang pinipigilan siya.

HER MERCILESS HUSBANDWhere stories live. Discover now