CHAPTER 18: CHOOSING

179 5 0
                                    

 

The serious demeanor is hard to decipher if he has any compassion for me, even a slight trace of pity might not have been felt by him.

I am still in disbelief over his words, and my heart is pounding with great intensity.


The Steve I once knew is vastly different from the Steve I am currently with. In his eyes, I am nothing more than a mere plaything.

" My conviction remains steadfast unless you are willing to accept my desires.Be my toy.No matter the value of the money, I will give it to you."

" P-paano k-kung ayaw ko?" Basag ang boses kong tanong.

" You must select only my choice if you truly wish to avoid suffering. I will hinder you from entering any job that you aspire to, just to ensure that you remain unemployed."

Napakurap ako sa sinabi niya kasabay ng pagtulo ng luha ko.Wala silang pinagkaiba ng Mommy niya ginigipit nila ako gamit ang pera nila, pinapasunod ako gamit ang kapangyarihan nila.

" Ponder upon my words,I'm not rushing you. You can talk to me again if you agree to my offer." Malamig niya akong pinagmasdan ngunit agad din napaiwas habang sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko.

Nandito na kami sa harapan ng condo unit namin ni Laika hindi ko alam kung bakit niya nalaman na nandito ako nakatira.

" Bakit m-mo ginagawa 'to?"

He smirked.

" Why, indeed? Do not pretend that you are unaware of the reason behind my current state, after you betrayed me. You prioritized your man and showed no concern for the agony I am enduring. " He gazed at me.

"Just accept my revenge, it brings me happiness to see you reduced to a mere plaything. I want Spencer to know that you are mine, and your body is exclusively mine to be used as a toy."

Matunog akong napahikbi.Libo-libong punyal ang tumarak sa puso ko sa sobrang sakit.Nagmadali kong binuksan ang pintuan ng kotse niya at walang imik na lumabas ng hindi man lang siya nilingon.

A toy? Sobrang baba na ng tingin niya sa'kin at laruan na lamang ako sa kaniya.

Pagpasok ko sa loob ng condo at diretso akong pumasok sa kuwarto ko at nanghihinang napaupo sa kama.Nandito na naman ako sa puntong kailangan kong pumili dahil ginigipit na naman ako sa alanganing sitwasyon.

Bakit iyon ang naisip ni Steve? Porket mayaman na siya ay hindi na niya ako rerespetohin, sobrang baba ng tingin siya akin.

Tinuyo ko ang luha sa pisngi ko at suminghot.Papayag ba ako sa gusto niya na magiging laruan niya ako? Kahit mahal ko siya ay hindi ibig sabihin no'n papayag na akong ipagamit ang katawan ko sa kaniya.

Kahit papaano nirerespeto ko parin naman ang sarili ko at ang offer na iyon sobrang hirap magdesisyon, ang sakit sa puso.Napabuntong hininga ako at naligo na sa bathroom si Laika wala pa dito ang sabi malalate siya ng uwi.
---

Tatlong araw na ang lumipas simula ng mapag-usapan namin ni Steve ang tungkol sa bagay na iyon.Hanggang ngayon wala parin akong desisyon dahil sa totoo lang kung may ibang paraan pa huwag lang ang offer na iyon gagawin ko.

Kahit ano pa iyon basta huwag lang ang bagay na iyon.Tatlong araw, at sa loob ng tatlong araw ay nanatili lang ako sa condo at madalas nagkukulong ako sa kuwarto ko dahil para saan pa para lumabas ako?

Kahit saang lupalop ako ng mundo maghanap ng trabaho alam ko na ginagawa ni Steve ang lahat huwag lang akong matanggap gamit  ang pera niya pinipigilan niya iyon.Anong bang kapalaran 'to?

HER MERCILESS HUSBANDWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu