CHAPTER 24: PRISON

197 5 0
                                    

 

Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo ko at ramdam ang hapdi ng pisngi ko.Nang maalala ang nangyari kanina hindi ko napigilang mapaluha hanggang sa bumukas ang pintuan at iniluwal ang seryusong mukha ni Steve.

Nandito na pala siya.

" Leave."

Utos niya sa tatlong Valet niya at muling tumingin sa'kin.Hindi ko siya pinansin at pinunasan ang luha sa mata ko bago ko kinuha ang salamin para tingnan ang itsura ko.

Nagulat ako nang makita ang matinding pamamaga ng magkabilang pisngi ko para akong binugbog ng paulit-ulit, at napatingin ako sa labi kong pumutok sa ginawa ni Francisca maging sa ulo ko na napapalibutan ng bandage.

I cannot bear the peculiar pain I am experiencing, my head is throbbing and my cheek is extremely painful.Nanginginig kong hinawakan ang mukha ko na namamaga at napuno ng malaking pasa.

" T-tingnan mo ang ginawa ng girlfriend mo at Mommy m-mo, by the way mas ikakasaya mo pa pala na nakikita akong ganito, right?"

Pagak akong napatawa at ibinaba ang hawak kong salamin.Nanginginig ang kamay ko sa sakit hanggang sa umupo siya sa dulo ng kama ko na wala paring emosyon sa mga mata niya.

" Ilang pursyento ang naramdaman mong saya? "

Wala siyang naging sagot at seryuso lang akong tinitigan.Napakurap ako kasabay ng pagtulo ng luha sa mata ko na tumulo sa kamay kong nanginginig.Sobrang sakit halos mapadaing ako pero pinipigilan ko.

" K-kung hindi ko lang inaalala sina Mama mas gusto ko iyong isang beses ko lang maranasan 'to k-kung pinatáy mo na lang sana ako seguro magpaparty ka sa saya no?"


"  If I had known they were going to come here, I would have chosen not to leave. That way, they wouldn't have been able to harm you." he said in a cold tone, telling me to smile audibly.

" Huwag ka ngang umakto na naawa ka."

"  I didn't have any pity for you."

Tinitigan niya ako ng walang emosyon sa mga mata niya.Sabi na mas matutuwa pa siya kahit pinatay ako ng girlfriend niya at ang Mommy niya sino nga ba siya para mag-alala sa'kin? Eh laruan lang naman niya ako.

Nic laruan ka lang ni Mr.Cameron.


"  I am the only one who can make you suffer. Not my girlfriend. Not my Mother. Not anyone else. Only I have the ability to subject you to this kind of torment."

Parang kinurot na naman ang puso ko, hindi ko siya pinansin at muling tumingin sa salamin para tingnan ang naglalakihang pasa sa mukha ko hanggang sa narinig ko ang pagbukas ng pintuan.

" Hija, mainam kung lalagyan mo ng yelo ang pasa mo."

Sinulyapan ko si Manang na papalapit na sa kama .Hindi ko na sinulyapan pa ng tingin si Steve at doon nagfocus kay Manang at siya na ang nagdampi ng yelo sa pisngi ko.

Hindi ko pa maiwasang makaramdam ng sakit dahil sa sobrang lakas ng sampal ni Francisca grabe iyong pasa at pamamaga na natamo ko.Maraming beses ba naman kasing dumapo ang kamay niya.

" Ah! "

" Masakit ba Hija?"

Tumango ako bilang pagtugon sa kaniya.Ito na nga din ang sinasabi ko kay Steve at nangyari na.Alam ko mas lalo silang magagalit sa pagpirma ko pero wala naman siyang pakialam mas gusto pa niyang pagtulungan ako ng girlfriend at Mommy niya.

" Manang, allow me to handle that, you can leave now."

Napalingon ako kay Steve na walang emosyong nakatingin sa akin at sobrang lamig ng boses niya habang sinasabi iyon.Si Manang ay napatigil at tiningnan si Steve bago napunta ang tingin sa gawi ko.

HER MERCILESS HUSBANDOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz