CHAPTER 6: SUFFERING

258 6 0
                                    

NICOLE  POINT OF VIEW•

Hindi nga ako nagkamali dahil kahit noon pa man alam ko na hindi ako magugustohan ng Mommy ni Steve seguro maging ang Daddy niya ay ganon din.Sobrang sakit.Porket mahirap lang ako ganon na ang tingin nila sa'kin?

Kahit kailan hindi ko naisip na kaya ko sinagot si Steve iyon ay dahil magiging suwerte ako kasi galing siya sa mayaman, kaya nga noong una pa man ay ayaw kong sagutin si Steve dahil katulad ng sinabi ng Mommy niya sa akin hindi ako nababagay sa isang mayaman.

Peru paano pigilan ang pusong gustong magmahal? Mahirap magkotrol sa lalaking tinitibok ng puso mo.

After that happened, Steve's mother didn't stop. She really wanted me to leave her son, but I couldn't do that.I never left him.

Pagod ako sa trabaho plus napagalitan pa ako ng Boss ko  sa hindi ko alam na dahilan iwan ko kung bakit mas lalong umiinit ang ulo niya sa akin.Anong bang mali sa'kin? Ginagawa ko naman ng maayos ang trabaho ko ah.

Isang linggo na simula nang ipakilala ako ni Steve sa magulang niya at simula no'n hindi ako tinantanan ng Mommy niya.But like what I said, I will fight for my love with Steve just like he did.Kahit ano pa ang sabihin ng Mommy niya kahit husgahan niya ako at laitin ay hindi ko parin iiwan si Steve.

Sabi nga nila kung mahal mo ang isang tao dapat ipaglaban mo lalo pa't kung mahal niyo din naman ang isa't isa.Walang kahit na sino ang magpapahiwalay sa inyo.Peru hanggang saan nga ba aabot ang pagiging matatag at matapang ko?

Pagkarating sa apartment ko hindi na ako nagulat nang makita ang Mommy ni Steve kasama ang lalaki marahil personal bodyguard niya.Nandito na naman siya kailan ba siya titigil?

" Sobrang tigas talaga ng ulo mo no? How many times do I have to tell you stay away from my son."

" Ms.Perez maliit lang ang pasensiya ni Madam, huwag mong ubusin dahil hindi mo alam kung ano ang kaya niyang gawin." Hindi ko pinansin ang sinabi ng personal bodyguard niya bagkos tumingin lang ako sa Mommy ni Steve.

" P-please po tumigil na kayo dahil kahit anong pamimilit niyo ay hindi ko parin iiwan si Steve."

" How dare you! "

" Mahal na mahal ko po ang anak niyo, Madam."

" But you don't deserve him.We don't like you for my son mahirap bang intindihin iyon, ha?" Kinagat ko ang labi ko at napayuko, nangako kami pareho ni Steve na kahit anong mangyari ay walang susuko sa relasyon namin kahit mga magulang pa niya ang hadlang.

" Binabalaan kita babae..." matalim ako nitong tiningnan at lumapit sa puweato ko." I will do everything to keep you away from my son. If you don't stay away from him, sinasabi ko sayo hindi mo magugustohan ang gagawin ko."

Puno ng panlalait pangungutya ako nitong tiningnan bago umalis sa harapan ko at sumakay na sa magarbong sasakyan.

Umiling lang ako at pumanhik na sa loob ng apartment ko, buntong hininga akong umupo sa kama at napahilamos na lang sa mukha.Ano ang maaari niyang gawin?

Hindi ko na inisip ang sinabi niya bagkos nagluto na lang ako at nag-aral.Kinaumagahan maaga akong nagising dahil may pasok pa ako, matapos kumain ng almusal ay hinanda ko narin ang mga gamit ko at lumabas na sa apartment ko.

" Good morning."

Hindi ako makapaniwala nang makita si Steve na nasa tapat ng kotse niya nakapamulsa at nakasandal ang likuran sa kotse niya.He's very handsome and attractive to look at.

" B-bakit ka nandito? "

" Hindi ba obvious sinusundo ka? "

Napatikhim na lang ako at tipid na ngumiti bago siya umayos ng tayo at nilapitan ako kasabay ng paghalik niya sa noo ko at kinuha ang librong hawak ko maging ang bag ko.Hindi ako nakaangal pa at nagpatianod sa pagkakahawak niya sa kamay ko.

HER MERCILESS HUSBANDWhere stories live. Discover now