CHAPTER 1

40 0 1
                                    

“Wala akong balak pumunta.” ani Cayle sa kaibigang si Yael dahil panay ang pilit nito sa kaniyang gumimik.

He took a deep sigh. Partying, drinking and dancing with strangers aren’t really his thing.

Mas gugustuhin pa niya na manatili sa bahay at mas tahimik roon pero, heto ang mga kaibigan niya na hindi siya kailanman tatantanan.

“Huy Cayle, h’wag ka na ngang maarte diyan!” it was Tasha, the loudest friend he has. “Kaya hindi ka nagkaka-girlfriend diyan e pihikan ka.” umirap pa ito sa kaniya.

There they are again, forcing him to get a date. But for Cayle, he’s still not ready to have a relationship.

Aayaw niya rin na magsimula siya ng isang relasyon na galing sa bar o inuman dahil alam niya na hindi nagtatagal ang gano’n. Titikman tapos iiwan, isa sa mga palagi niyang naririnig sa mga kaibigan niyang lalaki.

Yael tapped his shoulder. “Ngayon ka pa aayaw e nandito na tayo?” tanong nito sa kaniya.

Cayle can hear the music and loud cheering from the inside. Wala pa sila sa loob pero ayaw na agad niyang pumasok, nabibingi na nga siya habang nasa labas pa lang sila, paano pa kaya sa loob?

“Fine. I’ll go.” napilitan na siya, kung hindi naman siya sasama ay maiiwan siya sa labas—mag-isa. “Pero hindi ako iinom, sasama lang ako.” dagdag pa niya.

Cayle saw how his friends reacted to that, they were all dissapointed.

Huminga siya ng malalim. “Sige na nga, sige na. Iinom na ako, pero uuwi din tayo agad, deal?” tanong niya.

Wala naman siyang magagawa, lahat ng mga kaibigan niya ay halos pare-pareho ng mga bagay na ginagawa at siya na lang ang napag-iiwanan.

Parang hindi naman ata niya kaya na siya na lang lagi ang nasa likuran, matatanda na sila siguro oras na rin para kalimutan niya muna ang buhay sa labas at mag-enjoy. Pero ayaw na niyang maulit lahat ng mga nangyari sa kaniya noon, lahat nang mga masamang bagay na ‘yon dahil lang nagpabaya siya.

Pumasok na sila sa loob ng bar at naupo sa isa sa mga bakanteng upuan roon. Sobrang dami ng tao halos nahirapan silang makapasok sa loob dahil siksikan.

“Oh, Cayle. Ano’ng gusto mo? Oorder na ako.” tanong ni Yael sa kaniya.

Oh shit. He doesn’t know what to get, he’s not been drinking for almost four years now.

“Anything.” tanging naisagot niya. “Kayo na ang bahala.” dagdag pa niya.

Nag-thumbs up sa kaniya si Yael at kumindat kaya’t hinayaan na lamang niya ito na pumili kung ano ang iinumin nila.

Cayle’s eyes roamed around the bar, there were people dancing and shouting, they look so happy, wild and free. He’s been there but all things must come to an end.

Suddenly, his eyes was glued to the man on the bar counter. He was sitting there alone, with his hair and suit was soaking wet as if he walked under a pouring rain.

“Uy, ayos ka lang?” binunggo ni Gail ang tuhod niya gamit ang tuhod nito.

Napakurap-kurap siya. “O–Oo naman, naninibago lang siguro ako. Ang dami kasi ng tao dito ngayon.” tugon niya at inilagay ang mata kay Gail.

Gail nodded. “Get used to it. Kapag weekends katulad ngayon sabado, marami talagang nandito lalo na ‘yung mga gustong makalimot.”

“Gail! Cayle!” malakas na tawag sa kanila ni Tasha. “Tara na, sayaw tayo dali!” malakas na sigaw muli nito.

Agad siyang umiling nang marinig ang sinabi ni Tasha. “No, i’ll just wait here for our drinks to arrive.” aniya at ngumiti sa mga kaibigan.

“Sure ka? May number naman sa table natin kaya hindi na naman kailangan.” ani Yael at itinuro sa kaniya ang number sa table nila.

CHAINEDWhere stories live. Discover now