CHAPTER 9

6 0 0
                                    

Nagising si Cayle na nanakit ang likuran niya, siguro ay dahil ito sa ginawa nila kagabi ni Valerian.

Napangiti siya kapag naalala niya kung paano ito sumiksik kagabi sa bisig niya.

“Hey, morning precious,” bati ni Valerian sa kaniya na kakalabas lamang ng banyo at may nakatapis na tuwalya sa beywang. “kaya mo na bang tumayo? Mamasyal na tayo sa Isla.”

Tumango na lamang siya at ngumiti sa lalaki. Lumapit si Valerian sa kaniya at hinawakan ng malambing ang pisngi niya. “Thank you,” anito at hinalikan ang noo niya. “for giving me permission to touch you.”

Cayle smiled. “Thank you for asking for permission to touch me,” he replied. “pero, you’re still my kidnapper.” pagbibirong saad niya.

“At least include the handsome part.” nagbibirong saad ni Valerian at pinalo ang pang-upo niya. “Let’s go precious, i’ll shower you.”

“You’ll shower me?” nanunuksong tanong ni Cayle sa lalaki habang nakatingin rito. “with what?” tanong niya muli.

Cayle didn’t regret teasing Valerian. Dahil nang makarating sila sa banyo ay patuloy siya nitong inangkin hanggang sa mapaupo na siya sa sahig dahil sa panginginig ng tuhod.

Wala naman siyang magagawa dahil gusto rin naman niya ang ginagawa ni Valerian na pagpapaligaya sa kaniya.

He likes it rough, and wild.

...

“Manang Rosel, ako na ho ang bahala diyan. Magaan lang naman ‘yan.” alok ni Cayle sa kasambahay ni Valerian na nasa kusina at nagdadala ng pagkain sa hapag-kainan.

Ngumiti sa kaniya ang ginang. “Naku, pagagalitan ho ako ni sir Dev kapag kayo ang pinakilos ko.” anang ginang na ipinagtaka niya.

Kunot-noo siyang tumingin sa ginang habang nakaupo sa hapag-kainan. “Dev? Sinong Dev?” sunod-sunod na tanong niya.

Mag-isa siyang nasa hapag-kainan dahil hinihintay pa niya si Valerian na kumukuha ng masasakyan nila para makapaglibot sa Isla nang hindi naglalakad. Masakit kasi ang likod niya dahil sa kababalaghang ginagawa nila ni Valerian kaya nagsabi ito na kukuha ng sasakyan mula sa isang kaibigan sa Isla.

“Si Sir Valerian ho,” magalang na sagot ng ginang habang nilalagyan siya ng pagkain sa pinggan. “natutuwa nga ako, ngayon lang nag-uwi ng kasintahan ‘yan si Dev, matagal-tagal rin ‘yang hindi umuuwi.” pagkekwento ng ginang habang nakatayo sa harapan niya.

“Dev, totoong pangalan niya ba ‘yon?” tanong ni Cayle sa ginang.

Umiling si Manang Rosel. “Hindi, palayaw lang ‘yon na bigay ng kuya niya sa kaniya, mahilig kasi siyang umimik ng dib kaya Dev ang ipinalayaw.” sagot ng Ginang at tumingin sa kaniya.

Tumango-tango siya at nagsimulang kumain. “Dito ba talaga siya nakatira? Sa Isla?” sunod-sunod na tanong niya.

“Ay opo,” masayang sagot ni Manang Rosel. “Gusto kasi ng mga magulang nila Sir Dev na dito na tumira sa Isla ang mga anak nila kapag nakatapos na ng pag-aaral. Pareho na ‘yang tapos, si Sir Dev at ang kapatid niya kaya dito na tumira.”

“‘Yong mga magulang ni Valerian, nandito din ba sila?” tanong niya kay Manang Rosel.

Umiling at matanda at napatungo. “Wala na ho, matagal nang pumanaw, ako na nga lang ang nag-aalaga sa dalawa. Hindi ko nga alam kung ano’ng gagawin niyang dalawa kapag nawala na ako,” saad ni Manang Rosel at huminga ng malalim. “kulang na lang ay magpatayan, dahil itong si Sir Dev, laging hindi sinusunod ang utos ng kuya niya.”

CHAINEDWhere stories live. Discover now