CHAPTER 14

5 1 0
                                    

“Lovey?” tawag ni Valerian kay Cayle habang nakaupo sila sa buhanginan at nakasandal ang ulo niya sa balikat ng lalaki. “Umiiyak ka ba?” tanong niya.

Umiling si Cayle kahit na ang luha niya ay unti-unti nang tumutulo mula sa mga mata niya. “Hindi ah, at kung naiyak man ako, tears of joy ‘to.”

“Kahit pa tears of joy ‘yan, ayaw ko paring umiiyak ka,” ani Valerian at hinawakan ang dalawang pisngi niya. “bakit ka ba umiiyak?” paglalambing pa nito.

“Hindi ko alam,” sagot niya at dahan-dahan namang pinahid ni Valerian ang mga luha niya. “It’s just, hindi ko ata kakayanin kung wala ka,” natawa siya sa sarili niyang sinabi. “I know it’s silly, pati ako nagtataka kasi noon galit lang ako sa’yo pero ngayon mahal na kita.”

Ngumiti naman si Valerian at hinalikan ang noo niya. “At mahal na mahal din kita, higit pa sa alam mo.”

Cayle felt so lucky having to meet such an amazing guy like Valerian. Parang buo na ang puso niya at may pumupuno na ng mga parte sa buhay niya na nabutas noon.

Valerian doesn’t know it but he healed a heart he didn’t broke.

“Cayle?” tawag sa pangalan niya ni Valerian habang hawak-hawak nito ang kamay niya at panay ang paghalik sa palad niya.

Ngumiti siya habang nakatingin sa lalaki. “Hmm?”

“Would you still love me if I was a criminal?” tanong nito sa kaniya.

Cayle giggled. “Is that even a question?” panay parin ang pagtawa niya pero pinigilan niya ang sarili dahil seryoso ang tingin sa kaniya ni Valerian. “You’re my kidnapper and yet, I love you.”

“How about if I’m a murderer?”

“I’ll still love you.”

“There’s a chance that I could kill you.” Valerian said.

Cayle sighed. “I know you could but I still know that you wouldn’t.” ngumiti siya sa lalaki. “Kilala kita Valerian, you can be very aggressive when you’re angry but, I know that you have a kind heart.”

“There’s a lot of things you still don’t know about me.” Valerian replied and turned his gaze on the ocean.

Cayle leaned his head on his shoulder while still holding Valerian’s hands. “Let’s get to know each other then.”

“Manang Rosel, ako na ang bahalang maghanda ng pagkain ni Cayle.” ani Valerian habang nasa kusina at nagpiprisinta na magluto.

Umiling si Manang Rosel sa kaniya at ngumiti. “Naku Sir, ako na po at mamaya ay malayo pa ang byahe niyo.” sagot ng matanda at tinapik ang balikat niya. “Mabuti pa po ay magpahinga na lang kayo.”

“Manang Rosel, ako na ang bahala.” huminga siya ng malalim at inagaw na ang sandok mula sa matanda. “Sige na ho, ako na po ang bahala dito, ihanda niyo na lang ang gamit ni Cayle.” dagdag pa niya at agad naman itong tumango at hindi na nagsalita pa.

Nagsimulang haluin ni Valerian ang kaldero at kinuha niya ang kung ano mula sa bulsa niya at pinatakan ang adobo na niluluto niya.

“Val!” narinig niya ang tawag ni Lemuel at nakita niya naman itong naglalakad papalapit sa kaniya. “Oh? Akala ko ba ititigil mo na ‘yan?” tanong sa kaniya ng kaibigan habang hawak-hawak niya ang nilahok niya sa adobo.

Valerian felt annoyed. “Kamusta ang pinapagawa ko sa’yo? Nakita niyo ba?” sunod-sunod na tanong niya malayuan lang ang naunang tanong nito.

CHAINEDWhere stories live. Discover now