CHAPTER 10

4 0 0
                                    

After their early dinner on a beautiful garden, Valerian took him to the beach.

Hawak-hawak ni Valerian ang kamay niya habang naglalakad sila sa puting buhangin na nakapaligid sa Isla. Hindi maipaliwanag ni Cayle ang sayang nararamdaman ng puso niya ngayong kasama niya si Valerian.

It’s a feeling that he never felt before, a feeling of belongingness and warmth. Only Valerian could make him feel this way.

“Masaya ka ba?” tanong ni Valerian at saglit silang huminto sa paglalakad. “Marami pa tayong p’wedeng puntahan.” dagdag pa nito at ngumiti sa kaniya.

Cayle smiled back at him. “Hey Valerian,” he cleared his throat. “why are you doing all these things for me?” he asked him.

“Because I like you,” anang lalaki at hinalikan ang noo niya at niyakap siya ng mahigpit. “hindi kita pinipilit na magustuhan ako, kaya kapag hindi mo parin ako gusto sa loob ng isang linggo, ibabalik na kita kung saan kita kinuha.”

“Paano kung,” lumunok si Cayle at umupo sa buhangin kaya agad din naman siyang sinamahan ni Valerian at umupo ang lalaki sa kalapit niya. “ayaw ko nang bumalik? Paano kung gusto ko na lang rito?” sunod-sunod na tanong niya habang nakatingin sa dagat.

Cayle could feel Valerian’s eyes glued on him. “Why? Are you inlove with me already? Huh, Cayle Satrian?” tanong nito sa kaniya.

“Hindi ka naman mahirap mahalin, Valerian,” tumingin siya sa lalaki at ngumiti. “gwapo ka, mayaman ka at may yate pa. Nasa’yo na kaya lahat ng hinahanap ng mga babae, hindi ko nga alam kung bakit nagkagusto ka sa isang tulad ko,” ngumisi siya at ibinalik ang mga mata sa dagat. “you can have any woman you want and yet, you still chose to be inlove with a guy like me. Why? Why me of all people?”

“Honestly,” Valerian smirked and stared at him. “I don’t know, hindi ko alam kung bakit baliw na baliw ako sa’yo.”

Hindi alam ni Cayle kung ano ang magiging reaksyon niya habang nakatingin sa lalaki. Lumunok na lamang siya at umiwas ng tingin. “People will judge us, we’re both guys, hindi nila tayo tatanggapin.”

“Does their opinions really matter?” tanong sa kaniya ng lalaki at hinawakan ang pisngi niya para magtama ang mga mata nila. “Hindi naman sila ang mamahalin ko, ikaw, kaya kung okay lang sa’yo na mahalin kita, wala na akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao,” hinalikan ni Valerian ang kamay niya. “basta kasama kita, handa akong tumanggap ng masasakit na salita kahit pa kanino galing ‘yan.”

Cayle smiled at that, hindi siya makapaniwala na may lalaki palang katulad niya na handang ibigay ang lahat makasama lang siya.

He thought that he was worthless and yet someone sees him as one of the rarest gems in the world.

Nanahimik na lamang si Cayle at tumingin na lamang sa mga mata ng lalaki na titig na titig sa kaniya.

“Cayle?” tanong ni Valerian habang nakatitig ang lalaki sa kaniya. “P’wede ba akong magtanong?”

Ngumiti si Cayle. “Oo naman, ano ba ‘yung itatanong mo?” tanong niya rito.

“Hacov, is he your ex?” tanong sa kaniya ni Valerian.

That name, the name he wants to forget, the name that broke him into pieces. How? How can Valerian know about his past?

Cayle gulped. “Y–Yes, but I–I don’t really feel like talking about him or our relationship.”

“Sige, okay lang.” tugon ni Valerian at sumandal sa balikat niya. “hindi na naman importante ‘yon ngayon na nandito ka na sa’kin.”

Sigurado si Cayle na kapag nalaman ni Valerian ang nakaraan niya kay Hacov ay pandidirihan na siya ng lalaki at lalayuan.

CHAINEDWhere stories live. Discover now