CHAPTER 7

9 1 0
                                    

“Valerian,” tawag sa kaniya ng kapatid habang kumakain sila sa hapag-kainan. “Ano’ng kurso ang balak mong kunin?” tanong nito sa kaniya.

Valerian knew that his brother won’t take no nor an “I don’t know” for an answer.

“Business.” he replied shortly.

Tumingin sa kaniya ang kapatid na para bang nagtataka. “Hmm, I didn’t know you were interested in business, akala ko ba ay ayaw mo niyan?” tanong nito sa kaniya.

“Ayaw ko nga,” sagot niya. “pero wala na akong magagawa dahil pupunta na tayo ng Italy.” dagdag pa niya at tumingin sa kapatid. “Bakit hindi mo sinabi sa’kin?” tanong niya.

“Because I knew that you’d run away,” anang kapatid. “bakit ba hindi mo na lang tanggapin na ito ang pinili ni Papa para sa atin?” tanong nito sa kaniya.

Binitiwan ni Valerian ang kobyertos at natawa ng mahina. “Pinili ni Papa o pinili mo?” tanong niya at sumandal sa upuan. “Kuya, kung tatanggihan ko ba na maging tagapag-mana niyang kompanya, papayag ka ba?” tanong ni Valerian. “Hindi ba’t hindi naman?”

“You can’t run away from your fate, Valerian,” tugon nito sa kaniya habang patuloy parin sa pagkain. “you were born privileged unlike others, you should be grateful. Maraming bata ang gustong mapunta sa kalagayan mo ngayon.”

Bumuntong-hininga siya. “If I were to choose, mas gugustuhin kong ipanganak ng mahirap kaysa mabuhay ng illegal.”

“What do you mean?” tanong ng kapatid niya.

“Kuya,” tumingin siya sa kapatid niya na may luha sa mga mata. “before you went to Italy, we were close, no one can break our bond but, when you came back, you became unrecognizable.” ani Valerian at pinahid ang mga luha sa mata niya.

“Italy changed you and it broke us.”

“Valerian!” malakas na tinig ni Cayle habang patuloy na ginigising ang lalaki na nakahiga sa tabi niya, sumisigaw ito habang tulog at mukhang binabangungot.

Ilang sandali pa ay nagmulat na ito ng mata at nakita niyang nakatingin ito sa kaniya. “Bakit ganiyan ang mukha mo?” tanong ng lalaki at agad na bumangon para tignan siya.

“Y–You were screaming,” nauutal na sagot niya nang hawakan nito ang kamay niya. “kaya natakot ako na baka bangungutin ka.” dagdag pa niya.

Something is weird for Cayle, para bang mas lalo siyang nagkakaroon ng kakaibang pakiramdam pagdating kay Valerian.

Para bang napakalalim na ng samahan nila at unti-unti ay gumagaan na ang loob niya sa lalaki sa dalawang araw na pagsasama nila.

“So, you were worried about me?” nanunuksong tanong ng lalaki at niyakap siya nito habang nakaupo sila sa kama. “Thank you for waking me up, kung hindi mo ako ginising, i’ll relive that nightmare again.”

Bulong nito sa kaniya at bumitiw sa yakap, tumingin ito sa kaniya at hinalikan ang noo niya. “Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit pa ba? Gusto mo ipagluto kita?” tanong nito sa kaniya.

Tumayo si Valerian sa kama at nakita ni Cayle ang mga peklat sa likuran nito na parang mga lapnos at hampas ng kung ano.

There’s a lot that he doesn’t know about him, where he’s from, who he really is or what he does for a living to have a house and a yacht and yet, Cayle feels so close to him, he feels attached to him, he feels addicted to what his body smells like.

CHAINEDWhere stories live. Discover now