CHAPTER 12

8 0 0
                                    

“Hindi ba sinabi ko na h’wag niyong papayagan?!” malakas na sigaw ni Valerian kay Manang Rosel at inihilamos ang palad sa mukha. “How hard is it to understand that?! Napaka-simple ng pinagagawa ko, hindi mo pa nagawa ng tama!”

Umupo siya sa sofa at pilit na ikinakalma ang sarili habang nakatungo sa kaniya si Manang Rosel, alam niyang nasasaktan niya na ito pero wala siyang magawa, nawawala si Cayle, ang pinaka-iniingatan niya.

“S–Si Sir Lemuel po, isinama si–”

“Edi sana hindi mo pinayagan ‘di ba?! Kasama ba sa inutos ko sa’yo ang pasamahin siya kay Lemuel?!” malakas na sigaw ni Valerian at huminga ng malalim. “Remember this, if something happens to Cayle because of your reckless decisions,” nagkuyom ang kamao niya. “I’ll make sure that you’ll never see your family again.” banta niya at tumingin sa Ginang ng masama.

“Valerian!” malakas na sigaw na narinig niya at agad niyang nakita si Cayle na lumapit kay Manang Rosel at niyakap ang Ginang. “Ano bang ginagawa mo?! Walang kasalanan si Manang Rosel kaya h’wag mo siyang idamay!” malakas na sigaw nito sa kaniya.

Bumaling ito sa Ginang. “Sige na po Manang, ako na po ang bahala dito. Magpahinga na po kayo, pasensya na.” pang-aayo ni Cayle at agad namang umalis ang katulong.

When he saw his face, Valerian calmed down a bit. Ligtas na umuwi si Cayle sa kaniya kaya huminahon ang puso niya pero, sumuway parin ito sa bilin at utos niya.

“Cayle, didn’t I told you not to leave this house?” he asked Cayle. “Gaano ba kahirap gawin ‘yon?” tanong ni Valerian sa kaharap.

Huminga ng malalim si Cayle habang nakatingin sa kaniya. “Mahirap para sa’kin, Valerian!” malakas na sigaw niya. “Kasi kahit papaano gusto ko ring makalimot na malayo ako sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko at ano? Ikukulong mo ako rito na parang tuta?!” malakas na sigaw ng lalaki sa kaniya.

“Iniisip ko lang ang kapakanan mo,” ani Valerian at pinigilan ang sarili na sumigaw. “masyadong delikado sa labas, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa’yong masama.”

Lumapit siya kay Cayle at mahigpit na niyakap ang lalaki. “I’m sorry for shouting at Manang Rosel,” bumitiw siya sa yakap at tumingin sa mga mata ni Cayle. “nag-alala lang talaga ako sa’yo, sa susunod na lalabas ka, papayagan naman kita,” isiniksik naman ni Valerian ang mukha niya sa leeg ni Cayle. “basta magpaalam ka sa’kin at sasabihin mo kung sino ang kasama mo.”

“Sorry din, Valerian,” tugon sa kaniya ni Cayle at dahan-dahang hinihimas ang buhok niya. “kasi umalis ako ng walang paalam, sa susunod, magpapaalam na ako sa’yo.” dagdag pa nito na ikinatuwa niya.

Maybe he overreacted, Valerian knew that Cayle would be tempted to explore the Island because of his curiosity, siguro ay masyado lang siyang nag-iisip na baka may mangyaring masama sa minamahal niya.

Cayle is so important to him, losing him would make his life miserable.

...

Halos mapasinghap si Cayle nang bigla siyang buhatin ni Valerian para i-upo sa lamesa. “A–Ano’ng ginagawa mo?” nauutal na tanong niya habang nakita niya ang matiim na titig sa kaniya ni Valerian.

Inilagay ng lalaki ang magkabilang braso nito sa gilid niya. He’s cornered by his biceps. “Kayo lang ni Lemuel, wala kayong ibang kasama?” tanong sa kaniya ni Valerian at nakita niya ang paggalaw ng panga nito. “Saan kayo galing? Saan kayo pumunta?” sunod-sunod na tanong nito.

“Are you jealous, Valerian?” nagtatakang tanong niya at ngumisi sa lalaki.

“Damn right, I’m fucking jealous,” Valerian took a deep sigh and gripped his waist tightly. Cayle gulped. “even though he’s my friend, nagseselos parin ako na na-solo ka niya.” dagdag pa ni Valerian at umiwas ng tingin sa kaniya.

CHAINEDWhere stories live. Discover now