CHAPTER 5

7 1 0
                                    

Cayle felt so bored laying on the bed all day and, he’s starving too.

Nahihiya naman siyang magsabi sa lalaki dahil sinigaw-sigawan niya ito kanina, buti na nga lang at hindi siya nito binaril sa inis.

Kahit pa man gusto niyang magsabi hindi rin naman siya makatayo ng maayos dahil masakit parin ang paa niya, pero kahit paano ay hindi na ito kagaya ng kanina.

Pinilit niya ang tumayo at lumapit sa drawer na nasa paanan ng kama. Binuksan niya iyon at nakakita siya ng mga damit, at may mga tsokolate rin doon.

Cayle doesn’t feel like eating sweets right now but, he had no choice but to take what’s on his plate.

Nakita niya ang pitaka itim, kumunot ang noo niya at kinuha niya iyon pagkatapos ay binuksan.

“Valerian Vokrolov?” patanong niyang saad nang makita ang lisensya ng lalaki.

“You called?” pabirong saad ng lalaki at halos magulat si Cayle sa pinagkakatayuan.

Muntik na siyang matumba, buti na lamang at nasalo siya ni Valerian.

“It’s good that you’re now exploring things,” anito at ngumiti sa kaniya nang makita na hawak niya ang mga tsokolate mula sa drawer. “if you’re hungry, you could’ve just told me.”

Dahan-dahan siyang inupo ng lalaki sa kama at kinuha ang mga tsokolate mula sa kamay niya. “H’wag ka munang kumain nito, makakasama ‘yan para sa’yo.” nakangiti itong tumingin sa kaniya. “May gusto ka bang kainin?” tanong nito na para bang naglalambing pa.

Cayle was shocked, it feels like he’s gotten a lot more softer towards him.

Sa sobrang gutom naman niya ay kahit anong ihanda ng lalaki ay kakainin niya na. Wala rin naman siya sa posisyon para mamili pa.

“K–Kahit ano na lang siguro, hindi naman ako pihikan.” umiwas ang mga mata niya mula sa lalaki habang nagsasalita dahil titig na titig parin ito sa kaniya.

“Eh, paano kung sarili ko ang ihanda ko sa’yo?” tanong ni Valerian sa kaniya at tumawa. “Kakainin mo kaya ako?” tanong muli nito.

Cayle gulped. “Absolutely not.”

He’s still your kidnapper! Don’t be stupid. That voice inside Cayle’s head is telling him to not be stupid once again.

Naramdaman niyang hinawakan ng lalaki ang kamay niya. “I’m just joking,” natawa ito at hinalikan pa nga ang kamay niya. “gusto mong lumabas? Para mainitan ka man lang?” tanong nito sa kaniya.

“S–Sige.” nauutal pa siya dahil nagulat siya sa ginawa nito.

“Kaya mo na bang lumakad?” tanong ng lalaki at napailing siya habang nakatingin na rito.

Cayle noticed how gentle he is towards him, his eyes are always glued to him and the way he acts, he acts like a husband, a perfect one. But, Cayle will never forget that this guy is his kidnapper that could kill him anytime he wants.

“Okay lang ba sa’yo kung bubuhatin kita?” tanong ni Valerian sa kaniya at itinaas ang dalawang kamay. “Wala akong gagawing masama pangako, gusto ko lang ipakita sa’yo yung view sa labas, sigurado akong matutuwa ka.” nakangiting saad pa nito sa kaniya.

Tumango na lamang si Cayle bilang pagtugon. Agad naman siyang nilapitan ni Valerian at binuhat na para bang bagong kasal silang dalawa.

Lumabas sila ng kwarto at doon ay nasilayan niya ang araw, halos masilaw siya sa liwanag na nakikita niya.

“Dito ka lang muna, magdadala lang ako ng upuan para may maupuan ka sa labas.” ani Valerian at dahan-dahan siyang ibinaba sa malambot na sofa.

Sumilip naman si Cayle sa bintana, wala pa man siya sa labas ay nakita niya na agad kung gaano kaganda ang view sa labas.

Tirik na tirik ang araw at mainit pero sobrang ganda ng nakikita niya.

Nasa gitna ng karagatan at kulay asul ang tubig, naririnig niya ang mahinang hampas ng mga alon.

“Let’s go.” saad ni Valerian nang makabalik na ito at dahan-dahan siyang pinangko muli.

Binuhat siya nito at dinala sa labas, muli ay dahan-dahan siyang ibinaba sa upuan. Naramdaman ni Cayle ang matinding init ng araw na dumampi sa balat niya.

“Look here.” ani Valerian at itinuro ang direksyon sa parte ng likod niya.

Nang tumingin siya roon ay nakita niya ang napakagandang isla, patungo roon ang yateng sinasakyan nila at hindi mapawi ang ngiting unti-unting gumuguhit sa mga labi niya.

“Ang ganda!” aniya at nakangiting tumingin kay Valerian na titig na titig parin sa kaniya. “Pupunta ba tayo riyan?” tanong niya sa lalaki.

Valerian smiled at him. “If you want then, why not?” anang lalaki at nakatayo lang sa likuran niya. “Gusto mo ba?” tanong sa kaniya nito.

Tumango na lamang si Cayle habang malaki parin ang ngiti na nakaguhit sa labi niya. “Nasa’n ba tayo?” tanong niya sa lalaki. “Parang hindi na Pilipinas ito ah? Ngayon lang ako nakarating dito.” ani Cayle at tumingin sa lalaki.

“Hindi kita ilalabas ng Pilipinas, Cayle.” anang lalaki at hinimas ang buhok niya. “We’re still in Philippines and that Island is just one of the hidden beauty of your country.”

“Ang ganda.” ani Cayle. Kahit naman papaano ay may pagkamabait naman ang lalaki sa kaniya. Malumanay ang paghawak nito sa kaniya at laging dahan-dahan, hindi marahas.

Siguro, dahil sa unang pagkakataon, naranasan niya kung paano tratuhin ng tama, hindi niya alam kung paano magbigay ng reaksyon. Nalito siya, iniisip niya palagi na, mabait sa kaniya ang lalaki, siguro ay may kailangan ito sa kaniya.

Maybe, some people are just born that way? Kind, cares for other people and gentle. But, how can a man with such amazing qualities can kidnap a human being like him?

For some reason, Cayle does not want to complain anymore. This man, the man who kidnapped him, just showed him the most beautiful thing he had ever seen.

Tumunog ang tiyan niya kaya kaagad siyang napakagat labi at hinawakan iyon. Tumingin siya kay Valerian na nakangiti sa kaniya. “P–Pasensya ka na, kagabi pa kasi ako hindi kumakain.” aniya at binuhat naman siya muli nito.

Dinala siya nito sa maliit na kusina sa loob ng yate at iniupo muli siya sa malambot na sofa.

“Gusto mo ba ng adobo?” tanong ng lalaki sa kaniya habang nakatalikod ito at nagsusuot ng apron. “O gusto mo ng nilaga?” tanong muli nito.

Alam ng lalaki ang paborito niyang ulam kaya naman nagtaka siya pero, gutom na gutom na talaga siya kaya kahit ano ay handa niya nang patulan.

“Ikaw,” sagot niya at humarap naman ito sa kaniya ng nakangisi. Kumurap-kurap siya. “a–ano, I mean i–ikaw ang bahala kung ano ang mas madali sa’yong lutuin!” napalunok siya at umiwas ng tingin sa lalaki.

“Okay.” tugon nito sa kaniya at lumapit. Inabutan siya ni Valerian ng telepono. “Heto, maglibang ka muna. Kung gusto mo, tawagan mo muna ‘yung mga magulang mo, sigurado ako na nag-aalala na sila sa’yo.”

Tumingin siya kay Valerian. “H–Hindi ka ba natatakot na baka magsumbong ako sa pulis?” tanong niya sa lalaki.

Inilagay ni Valerian ang telepono sa kamay niya. “Kung ganiyan ka-ganda ang magpapakulong sa ‘kin, I should be grateful.” puri nito sa kaniya kaya naman tumungo siya para itago ang pamumula ng pisngi niya. “Also, sigurado ka ba na ipapakulong mo na agad ako? Hindi pa tayo nakakarating sa Isla.” pagbibiro nito sa kaniya at hinalikan muli ang kamay niya.

Cayle felt it, he just skipped a hearbeat. Napakurap-kurap siya, ano bang nangyayari sa kaniya?

He should hate Valerian! He kidnapped him!

Pero bakit ganito? Parang gumagaan ang loob niya sa lalaki?

How can this guy know which words to say to him to make him feel this way? How can he know him so well?

Actually, Cayle doesn’t know but he likes to be treated this way even though it came from the person who kidnapped him...

A/N: Next chapter has a little bit of spice.

CHAINEDWhere stories live. Discover now