CHAPTER 17

3 1 0
                                    

Naramdaman ni Cayle ang braso ni Valerian na mahigpit na nakayakap sa kaniya. “Val,” aniya at panay ang pagtapik sa braso nito. “hindi ako makahinga.” dagdag niya at agad naman ‘yong lumuwag.

Nakita niyang nagmulat ng mata si Valerian at nakatitig ito sa kaniya ng matiim. “Bakit gising ka pa?” tanong ng lalaki sa kaniya at tumalikod naman siya rito. “Lovey, talk to me naman.” paglalambing pa nito at mahigpit na yumakap sa beywang niya.

Cayle gulped, he could feel Valerian’s dick pressing on his ass but it doesn’t change the fact that he’s still mad at him. “Nakalimutan mo na agad?” tanong niya at humarap dito.

Huminga ng malalim ang kaharap at bumangon ito muli sa pagkakahiga. “Seriously, Cayle?” sarkastikong tanong nito at ngumisi. “Hindi ba tapos na tayo diyan?” tanong pa nito.

“Tapos?” tanong ni Cayle at umupo sa kama habang nakaharap sa lalaki. “You didn’t even talked to me, hinayaan mo lang akong umiyak.” aniya at pinahid ang mga luha sa mata niya.

Tumingin sa kaniya si Valerian. “What is it that you want me to do?” tanong sa kaniya nito.

“Let me.” maikling sagot niya rito.

Valerian giggled. “Let you? What? Go party and kiss a random guy just like what you did to me before?” sarkastikong tanong nito.

Hindi na mapigilan ni Cayle ang galit na nararamdaman at sinampal na ang lalaki. “Grabe ka naman,” aniya at umiwas ng tingin sa lalaki. “ganiyan na ba kasama ang tingin mo sa’kin ha, Valerian?!” sigaw niya habang tumutulo ang mga luha sa mata niya.

“Cayle, that’s not what I mean.”

“Then, tell me what do you mean by that!” sigaw niya at pinahid ang mga luha sa mata.

Valerian sighed and tried to hold his hand but he declined. “I’m just protecting you, ayaw lang kitang mapahamak,” huminga siya ng malalim. “‘yun lang.”

“Valerian, ginagawa na namin ‘to noon pa!” malakas na sigaw niya at umalis na sa kama. “Ano ba talaga? Ayaw mo akong mapahamak o ayaw mo dahil baka maagaw ako ng iba?” sunod-sunod na tanong niya.

“Bakit?” tanong ni Valerian na nakaupo parin sa kama. “May plano ka bang magpa-agaw sa iba, Cayle?” tanong nito sa kaniya.

Halos matawa siya at hindi maintindihan kung ano ang mararamdaman. Parang hindi kasi si Valerian ang kaharap niya, parang ibang tao at sigurado siya na hindi ito ang lalaking minahal niya.

“Ano ba sa tingin mo?” tanong ni Cayle habang nakangisi at tumingala para pigilan ang mga luha niya. “Laro lang ‘tong pagmamahal ko sa’yo? Na biro lang ‘tong relasyon na ‘to? Ganun ba ‘yon ha?!” tanong niya at halos habulin na ang hininga dahil sa pag-iyak niya.

“Valerian, mahal kita.” ani Cayle at umupo sa kama dahil hinang-hina na ang mga tuhod niya at panay na ang pangangatog ng mga ito. “Hindi pa ba sapat ‘yon para maisip mo na kahit kailan hindi ko maiisip na ipagpalit ka sa kahit sino?” tanong niya at tumingin sa lalaki. Wala siyang emosyong nakita sa mukha nito. “Ano pa ba ang kailangan kong gawin para maipakita sa’yo na totoo ang pagmamahal ko?”

Hindi na ito umimik at lumapit lang sa kaniya para yakapin siya. Hindi na siya nagpumiglas pa at niyakap na ang lalaki.

Cayle cried his heart out on his shoulder while Valerian kept on rubbing his back. Hindi siya nito binibitwan kahit pa panay ang pagpukpok niya sa dibdib nito.

“Hacov, matagal ko ng sinasabi sa’yo na tantanan mo na ang kaibigan namin.” ani Yael nang makita niya ang dating kasintahan ni Cayle na nasa pintuan niya.

CHAINEDWhere stories live. Discover now