CHAPTER 2

16 1 0
                                    

Cayle woke up feeling so heavy. Sobrang sakit ng ulo niya kulang na lang ay biyakin ito.

Pilit niyang ibinabangon ang sarili mula sa pagkakahiga sa isang malambot na kama, ni hindi niya nga alam kung ano ang nangyari sa kaniya kagabi.

“Oh, you’re awake.” he heard a voice, a familiar one.

Pilit niyang iminumulat ang mata para makilala ang tao na ‘yon pero umiikot parin ang paningin niya, pakiramdam niya ay lasing parin siya dahil sa ininom niya kagabi.

Bakit ba kasi siya nakinig sa lalaki na ‘yon?

Buti na lamang at kasama niya sina Yael, siguro ay ito ang naghatid sa kaniya pauwi. Nagpapasalamat talaga siya sa mga kaibigan niya.

He’s so lucky to have them.

“May masakit ba sa’yo?” tanong sa kaniya ng pamilyar na boses at naramdaman niya iyong umupo sa gilid niya.

Itinuro niya ang ulo at binalot ng kumot ang katawan. He can feel his stomach burning as well and yet his body feels so cold.

Para bang nalason siya o kung ano.

“I will get you something to eat.” anang lalaki muli sa kaniya at tumayo mula sa pagkaka-upo sa tabi kaniya.

His body feels so cold, halos ibalot na niya ang sarili sa kumot maging komportable lang.

Sobrang bigat ng talukap niya at hindi niya man lang ito mai-mulat ng maayos kaya naman nagpasya siya na pumikit na muna.

Simula ngayon ay hinding-hindi na muli siya iinom, kung alam niya lang na ganito ang mangyayari.

...

Pagkamulat na pagkamulat ni Cayle ay napabalikwas agad siya ng bangon.

He just had this weird dream where he was making out with a guy, a guy he met last night.

Halos masuka siya sa napaginipan, umiling-iling siya para matanggal iyon sa alaala niya pero sadyang nakatatak na iyon doon.

Luminga-linga siya sa kwarto kung saan siya naroroon.

He only realized one thing and that is, he is not on his room. Yael and his friends definitely did not took him home, someone else did.

“Oh, linaw ka na?” nakarinig siya ng boses mula sa pinto at nakita niya ang hubad-baro na lalaki at may dala-dala itong isang tray ng pagkain.

Cayle gulped, for some reason the guy looks just like the man on his dream, the man he was kissing. “Sino ka? At, nasaan ako?” tanong niya sa lalaki at nakangisi naman itong lumapit sa kaniya.

“Inuwi kita kaysa iwan kita sa bar ng lasing, mukhang hindi ka babalikan ng mga kaibigan mo do’n e.” anang lalaki at inilapag sa lamesa sa gilid ng kama ang pagkain. “Kumain ka na, humigop ka ng sabaw, makakatulong ‘yan sa sakit ng tiyan mo.” dagdag pa nito.

“Hindi mo parin sinasagot ang tanong  ko, sino ka ba?” tanong niya rito at sinamaan ng tingin ang lalaki. “Teka lang pare ha, baka nakakalimutan mo na lalaki ako, kaya kitang saktan kapag may balak kang masama sa’kin.” pananakot niya rito.

But does that really going to work though?

It’s not like his small built body will beat this guy who’s times 4 his size.

“Oh yah?” panunukso pa nito sa kaniya at ngumisi. “Hindi mo talaga naalala?” tanong nito sa kaniya at huminga ng malalim. “Well, you don’t have to remember, I’m sure you’ll hate it once you realize what you did, pare.

Ano nga ba ang ginawa niya?

Masyado pang masakit ang ulo niya para mag-isip kung ano ba ang nagawa niya.

CHAINEDWhere stories live. Discover now