CHAPTER 16

11 1 0
                                    

“So, are you going to tell me who this Valerian guy is?” tanong ni Yael habang nasa loob sila ng apartment niya at kakarating lang.

Inaayos pa ni Cayle ang mga damit na dala niya pati ang mga gamit ni Valerian.

He knew that Yael would ask questions because he just brought a man in his house and that man is now sleeping on his bedroom.

“A friend.” he lied and gulped. “He was the one who helped me get through my problems.”

Yael smirked at him. “You’re a bad liar, Cayle.” umiling-iling ang kaibigan sa kaniya. “Kilala kita at hindi ka sinungaling. He’s not just your friend, is he?” tanong nito sa kaniya.

Tumango na lamang si Cayle, wala naman talaga siyang laban kay Yael na suksukan ng katalinuhan. “I saw how you look at him, it’s the same way you look at Hacov before.” ani pa ni Yael at napailing-iling na lang sa kaniya. “I’m not stopping you to be happy and have relationships, gusto ko lang mag-ingat ka, ayaw na kitang makita na umiiyak at nasasaktan ng dahil lang sa lalaki.”

“I know that you’re worried about me and I appreciate that but,” ngumiti siya kay Yael. “Valerian’s different, mahal niya ako at ito yung unang pagkakataon na ganito ako kasaya.”

“Good then,” tumayo si Yael at tumayo rin siya. Yumakap muli ito sa kaniya at niyakap niya pabalik ang kaibigan. “Aalis na muna ako, babalikan ka na lang namin bukas.” paalam nito sa kaniya.

Bumitiw siya sa yakap at kumaway kay Yael. “Salamat!” sigaw niya at ngumiti lang ito at dahan-dahang isinarado ang pinto.

Nakita niya namang lumabas ng kwarto si Valerian at halatang kakagising lang nito, nakakunot ang noo nito na parang galit kaya agad niya itong nilapitan.

“Lovey? May problema ba?” sunod-sunod na tanong niya sa kasintahan.

Tumingin lang ito sa kaniya at nilampasan siya para magpunta sa kusina. “Valerian! Ano’ng problema?” tanong niya muli at sinundan ang lalaki.

“Problema?” tanong ni Valerian at nakangising humarap sa kaniya. “Tinatanong mo ba ako kung ano’ng problema ko?” tanong nito sa kaniya na parang nanunukso at sarkastiko. “Cayle, ikaw ang problema ko.” kalmado ang boses nito pero naramdaman niya ang inis at galit.

“Ako?” tanong ni Cayle at kumunot ang noo. “Bakit ako? Ano bang nagawa ko sa’yo? Alam mo, kanina pa kita napansin, simula nang makarating tayo dito sa bahay, you’ve been silent. Ano ba ang problema? Sabihin mo sa akin.”

“You introduced me as your friend.” sagot ng lalaki at sumandal sa pader habang nakaharap sa kaniya. “That’s my problem.”

“Sorry.” tanging salitang lumabas sa mga bibig ni Cayle. “H–Hindi ko lang alam kung ano ang dapat sabihin kasi alam kong mahirap para sa kanila na tanggapin tayo.” dagdag pa niya at napatungo.

Tumingin si Cayle kay Valerian at nakita niya na tumulo ang luha mula sa mata nito na agad namang pinahid ng lalaki.

“Why do they have to matter?” tanong ni Valerian sa kaniya. “Bakit kailangang matanggap nila tayo? Diyos ba sila na kailangang approved muna nila bago kita mahalin? Gano’n ba ‘yon Cayle?” sunod-sunod na tanong ng lalaki sa kaniya.

Huminga ng malalim si Cayle. “Val, you don’t understand.” mahinang saad niya.

“Make me understand Cayle!” Valerian shouted na nagpagulat sa kaniya. “You introduced me as your friend to your guy best friend. Did you ever considered what I would feel?” tanong nito sa kaniya. “Hindi ‘di ba? Because all you care about is to be accepted by them!”

CHAINEDWhere stories live. Discover now