CHAPTER 11

5 0 0
                                    

Huminga ng malalim si Cayle habang nakahiga siya sa kama, kanina pa siya walang ginagawa at nagsisimula na siyang ma-bored.

May pinuntahan kasi si Valerian at maayos naman itong nagpaalam sa kaniya na may trabahong aasikasuhin kaya naman hinayaan niya na ito.

“Sir Cayle, baka gusto niyo hong kumain at ipagluluto ko kayo?” si Manang Rosel iyon at kumatok sa kwarto nila ni Valerian.

Tumayo siya at binuksan ang pinto, kahit pa man sinabi sa kaniya ni Valerian na h’wag lumabas ay hindi niya mapigilan ang sarili.

Nangako ito sa kaniya na ipapasyal sa buong Isla pero wala pa sa kalahati ang napupuntahan niya ay bigla na lang itong umalis.

Cayle understands that Valerian has different priorities but still, it makes him a little dissapointed.

“Manang Rosel, may ipapaki-usap po sana ako,” ani Cayle at tumingin naman ang Ginang sa kaniya kaya kinagat niya ang pang-ibabang labi. “pero, mangako muna kayo sa’kin na hindi niyo sasabihin kay Dev.”

Umiling-iling si Manang Rosel. “Naku! Gusto niyong suwayin ang bilin sa’kin ni Sir Dev ano?” tanong ng Ginang at huminga ng malalim. “kahit pa man gusto ko na palabasin ka, amo ko parin si Sir Valerian, hindi ko siya p’wedeng suwayin, baka mawalan ako ng trabaho.” dagdag pa ni Manang Rosel.

“Eh Manang,” ani Cayle. “wala naman ho akong gagawin dito ah? Atsaka, hindi naman ho ako lalabas ng Isla.”

Hinawakan ni Manang Rosel ang sariling noo habang nakatingin sa kaniya, talagang magiging makulit siya dahil ayaw niyang magkulong na lang sa bahay buong araw, nagsasaw na siya.

“Oh? Manang Rosel,” tinig iyon ni Lemuel na kakapasok lamang ng pintuan. “gusto ko lang sanang itanong kung nasaan si Valerian.”

“Ay! Sir Lemuel!” ani Manang Rosel at pinapasok ang binata, si Cayle naman ay nanatiling nakatayo doon at tumitig na lang sa lalaki, gwapo man si Lemuel pero hindi ito matangkad na katulad ni Valerian. “Pasok po kayo, kanina pa kayo hinahanap ni Sir pero hindi ho yata kayo makita kaya nakaalis na.” sagot ni Manang Rosel at pinaupo ang lalaki sa sofa.

Tumingin ito sa kaniya at ngumiti. “Cayle? Himala yata,” ani Lemuel at ngumisi sa kaniya na parang nanunukso. “hindi ka sinama ni Valerian?” tanong nito sa kaniya.

Tumingin siya kay Lemuel at umupo sa harapan nito, ngayon niya lang napansin na may peklat din ang lalaki sa braso at mukha malapit sa mata, buti nga at nakakakita pa ito. “Alam mo ba kung sa’n siya nagpunta?” tanong niya.

“Cayle,” bumuntong-hininga ang kausap. “sa tingin mo ba pupunta ako rito at itatanong kay Manang Rosel kung alam ko kung nasaan siya?” pabalik na tanong sa kaniya ng lalaki.

Umirap siya at tumalikod mula sa lalaki. “Hindi ka ba tinuruan na hindi dapat sumagot ng patanong sa taong nagtanong sa’yo.” aniya at hindi na ito tinignan pa.

“Then, stop asking the obvious Cayle.” sagot ng lalaki at luminga-linga sa paligid. “Teka, bakit ka ba nag-iisa rito? Ayaw mo bang maglibot-libot?” tanong ni Lemuel sa kaniya.

“Naku, Sir Lemuel,” sabat ni Manang Rosel sa usapan at naglapag sa lamesa ng juice. “kabilin-bilinan ho ni Sir Valerian na h’wag lumabas si Sir Cayle, malalagot ako roon kapag pinayagan ko.” dagdag pa nito at ngumiti sa kaniya.

“C’mon Manang Rosel,” bumuntong-hininga si Lemuel. “minsan lang siya makakakita ng ganito, kung kinukulong pa siya ni Valerian rito, baka magsumbong na ‘yan sa pulis.” pagbibiro nito at tumingin sa kaniya.

“Pero Sir Lemuel–”

“Ako na ho ang bahala kay Valerian,” dugtong ni Lemuel na pumutol sa sasabihin ni Manang Rosel. “babantayan ko naman siya at sasamahan, wala naman mangyayaring masama sa kaniya.”

CHAINEDWhere stories live. Discover now