CHAPTER 13

6 0 0
                                    

“Manang Rosel, pasensya na talaga kayo kay Valerian ah,” ani Cayle habang tinutulungan ang Ginang na magluto sa kusina. “alam niyo naman po ‘yun, baltikin parang bata.” dagdag pa niya.

Natawa naman ang Ginang habang naghahalo ito sa kaldero. “Huwag po kayong mag-alala Sir Cayle, sanay na sanay na po ako sa dalawang ‘yan, lalo na kay Sir Dev,” sagot ng Ginang at tumingin sa kaniya habang nakangiti. “ako nga po dapat ang magpasalamat sa’yo Sir Cayle, pinagtanggol mo ako.”

“Kasalanan ko din naman po,” ani Cayle at ngumiti sa Ginang. “kung sinunod ko sana kayo edi hindi nagalit si Valerian.” nakangiting saad ni Cayle habang naghihiwa ng sibuyas.

“Cayle,” tinig iyon ni Valerian na kakababa lang ng hagdan at nakatingin ito sa kaniya. Dahan-dahang lumapit ang lalaki sa kanila at humalik sa labi niya. “Ang aga mo naman magising?” patanong na saad nito.

Ngumiti si Cayle. “Gusto kasi kitang ipagluto ng almusal, pasensya na gumising ka na hindi mo ako katabi.”

“It’s okay,” yumakap ito sa kaniya mula sa likod. “sa susunod gisingin mo na rin ako para hindi ako natatakot na baka iniwan mo na ako.”

“Valerian?” tawag niya sa lalaki na humihimas sa beywang niya. “Linggo na bukas, baka p’wede muna akong umuwi sa’min?” tanong niya rito at naghugas na siya ng kamay.

Humarap siya sa lalaki at nakakunot ang noo nito. “Bakit? Ayaw mo ba dito sa Isla?” sunod-sunod na tanong nito.

“H–Hindi naman sa gano’n,” napalunok si Cayle habang pinupunasan ang kamay. “gusto ko lang makita ulit ang mga magulang ko tsaka mga kaibigan ko.”

Valerian sighed. “Fine,” ani Valerian at binuksan ang ref. “basta ihahatid kita hanggang sa bahay niyo.”

“Thank You!” masayang saad ni Cayle at niyakap si Valerian. “Ang bait mo talaga!”

“Everything for you, my precious.” bulong ni Valerian sa kaniya kaya bumitiw naman siya sa yakap nilang dalawa. “Pero, babalik ka pa naman dito sa Isla ‘di ba?” tanong nito sa kaniya.

Tumango naman si Cayle. “Oo naman, aayusin ko muna ang mga bagay na kailangan kong ayusin.”

“Good girl.” bulong ni Valerian at pinisil ang ng mahigpit ang pang-upo niya.

Sinamaan niya ito ng tingin at pilyong ngiti ang nakita nito sa labi niya. “Valerian!” pananaway niya rito dahil pipisilin na naman nito ang pang-upo niya.

“What?” tanong ng lalaki sa kaniya at natawa ng mahina. “Pag-aari ko naman ‘yan ah? Kaya ako lang dapat ang humawak diyan.” anito at pinalo pa ang pang-upo niya.

“Ah!” mahinang daing niya at napahawak sa braso ni Valerian. Tumungo siya dahil alam niyang nandoon si Manang Rosel at naririnig sila.

Sinandal siya ni Valerian sa ref at siniil siya ng malalim na halik.

Cayle was trying to broke off the kiss but then, he got lost within his lips. They kissed, savor each other’s tounge and saliva.

“Dev,” they heard a voice, Cayle wanted to stop but Valerian kept on kissing him. “Valerian Volkrolov!”

Napatigil sila ng sumigaw na iyon at agad naman niyang tinulak si Valerian palayo sa kaniya.

Kitang-kita ang pagka-irita ni Valerian sa mukha nito. “What’s your problem? You like bothering me now?” sunod-sunod na tanong nito at bumaling sa kaniya.

“Sino’ng matutuwa diyan sa ginagawa mo?” tanong nito sa lalaki at napahawak lang si Cayle sa kamay ni Valerian. “Nakikipaghalikan ka sa kusina, nakikita ka ni Manang Rosel, hindi ba kayo nahihiya?”

CHAINEDWhere stories live. Discover now