CHAPTER 19

12 1 0
                                    

“Cayle?” narinig niya ang boses ni Hacov at nilapitan siya nito, may dala-dalang mga unan. “Nagugutom ka ba? Gusto mo dalhan kita ng pagkain?” sunod-sunod na tanong nito sa kaniya na parang naglalambing.

Gamit ang namumugtong mga mata na walang tigil sa kakaiyak ay tinignan niya ito. “Hindi ako nagugutom, iwanan mo akong mag-isa.” aniya at iniwas na ang mga mata niya mula sa lalaki.

Every time he sees him, it just hurts. Nasasaktan lang siya, pakiramdam niya ay walang ibang dulot ang lalaki sa buhay niya kun’di delubyo at problema.

“Gusto ko lang bumawi sa nagawa ko sa’yo.” anito at nagbalak pang humawak sa kaniya na agad naman siyang umiwas. “Ano ba?! Bakit ba diring-diri ka sa akin? Samantalang kapag kasama mo ang hayop na ‘yun masayang-masaya ka?!” sigaw nito sa kaniya lubos na takot ang naramdaman ni Cayle.

Hawak niya ang tenga at binalot ang sarili sa manipis na kumot. “Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa’yo na hindi ako makikinig sa mga paninira mo kay Valerian?!” malakas na sigaw niya.

“You need to listen to me, Cayle!” malaka na sigaw nito at hinawakan ang braso niya. “He’s a monster, a psychopath, a rapist!”

Nasasaktan na si Cayle sa mahigpit na hawak ni Hacov at panay ang daing niya kaya agad naman siya nitong binitiwan. “Sarili mo ang tinutukoy mo Hacov!” pinunasan niya ang mga luha sa mata. “Bakit ba hindi ka na lang maging masaya para sa ‘kin?” tanong niya.

“Bawal ba akong sumaya?”

“Bawal ko bang maranasan ang mahalin at alagaan?”

“Bawal bang kahit sa isang pagkakataon ng buhay ko may taong magmamahal sa ‘kin ng tapat at totoo?”

“Bawal ba? Bawal bang kahit isang beses lang maramdaman ko na mahalaga ako sa isang tao?”

Hinawakan niya ang puso at tumingin sa kaharap habang tumutulo ang mga luha sa mata niya. “Kasi, kahit kailan hindi ko pa naranasan lahat ng ‘to lalo na nung nasa’yo ako,” pinunasan niya ang mga luha mula sa mata niya. “you made me feel worthless, you made me feel like no one will love me for the way I am, you made me feel chained. The relationship we had? That wasn’t love, it was imprisonment.”

“Kahit pa lahat ng sinasabi mo tungkol kay Valerian ay totoo, siya at siya parin ang pipiliin ko.” ani Cayle at panay ang paghagulhol. “kasi siya lang ang taong nagparamdam sa akin na kamahal-mahal ako, siya ang nag-ayos sa’kin nung sinira at winasak mo ang puso ko.”

Cayle couldn’t see his reaction but he knew that Hacov was crying. He could hear him sobbing as he was speaking. Alam naman niya na sa kaloob-looban nito ay may tinatago paring kabutihan ang lalaki.

“I’m sorry Cayle,” anang lalaki at hinawakan nito ang kamay niya. “for the things I’ve done to you, for hurting you, for breaking you and for making you feel worthless but, I can’t let you be with him, he killed my family!”

Cayle didn’t know how to react. Alam ni Cayle na pinatay ang buong pamilya ni Hacov pero hindi niya lubos maisip na magagawa ni Valerian ang bagay na iyon.

Hindi na niya alam kung ano ba ang iisipin, kung sino ba ang paniniwalaan at kung ano ba ang gagawin niya. Pagod na pagod na siyang mag-isip, maniwala at magtiwala.

“Nasira kita, kasalanan ko ang lahat–”

Naputol ang sasabihin nito nang makarinig sila ng putok ng baril mula sa pintuan. Bumukas iyon at iniluwa nito sa Valerian na bitbit ang isang baril.

Cayle could see the reaction on his face, he’s like a different person.

“Papatayin kita!” malakas na sigaw nito at lumapit sa kanila. “What did you fucking do to my precious, huh?” malakas na sigaw nito at hinawakan ang kwelyo ni Hacov.

CHAINEDWhere stories live. Discover now