Chapter 42: Day 3

48.2K 805 67
                                    

Previously on My Wife is a Secret Agent


Naalala niya ang binigay niyang GPS necklace kay Kyle and hoping this will give her directions kung nasaan si Kyle. They followed the directions but they ended up sa isang open street near in Quezon City.

Jade was getting all worked up, she rubbed her fingers through her hair to relieved her tensions, she inspects the place, inikot niya ang mga mata nagbabasakaling makita niya kahit anino ni Kyle, ayaw niyang mawalan ng pag-asa, ayaw niyang bumalik ulit sa wala ... pero hindi siya pinayagan ng pagkakataon.

"Mam Jade" Shiela called out, lahat napatingin sa kaniya as she make her way to Jade.

"What is it?" asked Jade

Shiela opened her palm and showed Jade something ...

"I believe this is what we've been looking for mam Jade, I found it in the corner" Shiela told her.

 Kinuha ni Jade ang necklace mula kay Shiela "... it's Kyle's"





**

Pangatlong araw na paghahanap kay Kyle at walang tigil pa rin ang pagtatrabaho sa INTERPOL, nagbaba na rin ng order mula sa itaas na ipasa muna sa ibang department ang mga papasok na bagong kaso na dapat ay para sa INTERPOL. Nalaman kasi nila ang nangyari sa asawa ni Jade.

"Mam, pagkain po" saad ni Shiela pagkapasok niya ng opisina ni Jade.

"Salamat, pakilagay na lang diyan" walang buhay niyang sagot habang nakaupo sa sofa ng opisina niya

Nakita naman ni Shiela ang mga pagkain na nung isang araw pa niya dinala, hindi ginagalaw ni Jade ang mga pagkaing ibinibigay sa kaniya.

"Mam Jade" tumabi ito ng upo sa kaniya at itinapat ang dalang pagkain kay Jade "kailangan niyo po ito, nako pag nakita kayo ni Sir Kyle pagbalik magulat yun kasi ang payat mo na, sige na mam, kahit konti lang po please"

"Shiela, hindi ko talaga kaya, hindi ako nagugutom" napabuntong hininga na lang si Shiela, sabi nga nila wag pilitin ang ayaw.

"Sige po mam, maiwan ko po muna kayo, tawagin mo na lang po ako pag may kailangan po kayo" Jade nodded at lumabas na ng opisina si Shiela

Tumayo si Jade at inilagay ang pagkain sa table niya, naglakad siya papalapit sa glass walls ng opisina kung saan tanaw ang buong lugar.

Maya maya pa ay may narinig siyang nagri-ring tinignan niya ang phone niya ngunit hindi iyon, sinundan niya kung saan nanggagaling ang tunog at nakita niya ang isang zip-lock sa may basurahan sa ilalim ng lamesa niya, natatakpan ito ng mga papel,binuksan niya ito ay naglalaman ito ng diposable phone, agad niya iyong kinuha, ngunit sinigurado muna niyang nakalock ang pinto ng opisina niya saka niya sinagot ang tawag.

My Wife is a Secret AgentWhere stories live. Discover now