Chapter 35

45.9K 693 21
                                    


From: 0906*******

"Hindi mo kilala ang babaeng pinakasalan mo" 

Isang text message ang natanggap ni Kyle dalawang linggo matapos ang kaarwan ni Jade ngunit ipinag-walang bahala niya lamang ito dahil sa isip isip niya na baka isa lang itong banta mula sa mga kalaban niya sa negosyo kaya hindi na niya ito pinagtuunan pa ng pansin. 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - 

"Nandito na po ako" pahayag ni Kyle pagkauwi niya galing trabaho.

"O anak, sige at magbihis ka na ng makakain na tayo" pahayag naman ni manang habang hinahanda ang hapagkainan

"Sige po, nga po pala, si Jade po?"

"Nasa may garden lang may kausap lang sa phone"

"Ganun po ba sige po akyat na ako" 

Ngunit sa pag-akyat ni Kyle, napansin niya ang nakaawang na pinto ng kwarto ni Jade. At muli na namang nabubuo ang kuryosidad niya at naaalala niya ulit ang text na natanggap, matagal na rin niyang gustong malaman kung bakit hiwalay sila ng kwarto ni Jade, at ang tanging inisip niya na lang noon na baka hindi pa ito handa kaya hinayaan niya na lang, pero sa pagkakataong ito, hindi niya alam pero may nagtutulak sa kaniyang pumasok sa kwarto nito.

At yun na nga ang ginawa niya, marahan niyang binuksan ang kwarto at nilibot ang paningin niya, mistulang wala namang kakaiba sa kwarto nito. Tinignan din niya ang lamesa at mga litrato na nakahilera dito at isang bagay ang nakapukaw ng kaniyang pansin. 

Ang identification card ni Jade sa INTERPOL. 

Muli niyang tinignan ito at nagsimula nang mabuo ang mga katanungan ni Kyle sa kaniyang isipan lalo na ang text na natanggap.

"Hindi mo kilala ang babaeng pinakasalan mo" 



Pero sa ngayon ayaw niya munang mag-conclude at gusto niya munang maka-sigurado kaya naman kinuha niya ito. Bukas na bukas din malalaman niya kung ano ba talaga ang meron kay Jade

at sino nga ba ang babaeng pinakasalan niya.




- - - - - - - - - - - - - - - - - - 


"Manang nakita nyu po ba ung ano ko ung ID ko?" pabulong na sabi ni Jade kay manang dahil kanina pa niya hinahanap ang nawawala niyang ID

"Wala naman akong nakita, baka naman nabitawan mo lang kung saan" pabulong din na tugon nito

"Hindi ko po pwedeng bitawan ung kung saan saan pag nakita po ni Kyle yun, lagot na" pabulong na tugon ni Jade

"Nako, ako na ang bahala dun, at pumasok ka na, male-late ka na ei" 

"Hayyss, sige po, paki inform na lang po ako pag nakita niyo"

"Sige sige mag-ingat ka" at tuluyan na ngang umalis si Jade.

Aware si Kyle sa kinikilos ng dalawa kaninang umaga, ngunit alam niyang hindi siya pwedeng tanungin ng dalawa dahil may posbilidad na makihanap din ito sa nawawalang ID ni Jade. At alam nila na kapag nakita ni Kyle yon hindi magiging maganda ang kalalabasan.

"Ui pare okay ka lang? kanina ka pa tulala ah" tanong ni Cyrus sa kaibigan pagkapasok nito sa opisina ni Kyle.

"H-huh ? Okay lang" 

"Problema?" tanong nito pagkaupo sa isang swivel chair sa tapat ng lamesa.

"Hanggang ngayon ba may koneksyon ka pa rin ba sa INTERPOL?" random na tanong ng kaibigan

"Ou naman, sila ang madalas kong lapitan kapag kailangan kong lumabas ng bansa para sa seguridad bakit mo naitanong?"

Iniabot ni Kyle ang isang sticky note kung saan nakasulat ang pangalan ni Jade at ang Agent Code nito.

"T-teka pare saan mo nakuha ito?" 

Inilabas ni Kyle ang ID na nakuha sa kwarto ni Jade kagabi at ipinakita ito sa kaibigan.

"Cyrus alam kong hindi tama ang gagawin ko, but I want answers, please provide me a complete information about her" 

"But are you really serious with this?"

"I'm sure Cyrus, just 2 days ago I received a text message from an unknown number stating that I personally dont know the woman I'm married to and last night I saw a chance, I went to her room and I saw her ID, making me more curious on who she really is" pahayag ni Kyle

"But remember Kyle...

Curiousity kills the cat" pahayag ni Cyrus sa kaniya.

 _____________________________________

A/N:

Ayun, na beat ko ang record ko halos a month bago ako makapg-UD ulit. Start na po ng Climax ng MWIASA. Sorry kung sobrang dalang ko lang po mag-UD at maikli lang.

VOTES and COMMENTS will be much appreciated.

Thanks for all you support guys and Keep Safe po sa lahat. I hope lahat po ng readers ko nasa maayos na sitwasyon ngayon. Please pray po for our safety.

-iamKim

______________________________________

My Wife is a Secret AgentWhere stories live. Discover now