Chapter 36

49K 829 54
                                    

Calling Cyrus ...

"Hello?" Kyle answered

"Nasa akin na ang impormasyon ni Jade, bumaba ka na nandito ako sa tapat ng opisina, may pupuntahan tayo." wika ni Cyrus

"San pre?"

"Kung saan nagtratrabaho si Jade .."




- - - - - - - - - - - - - 



Ipinarada ni Cyrus sa tapat ng INTERPOL ang sasakyan ng makarating sila dito, inilabas ng Cyrus ang isang expandable envelop at iniabot ito kay Kyle.

"Sa loob niyan ang lahat ng impormasayong kailangan mo Kyle, pero ikukwento ko na rin para masagot lahat ng katanungan mo"

Nagsimula sa pagkukwento si Cyrus habang inilalabas at tinitignan ni Kyle ang laman ng envelop.

"Six years ago, nakapasok sa INTERPOL si Jade with the help of his dad, her dad works as a chief agent that time, pero iba ang posisyong hiniling ni Jade sa kaniya. She wants to work as a secret agent para mapadali ang paghahanap sa isang tao" napatingin sa kaniya si Kyle dahil sa huling salitang binitawan

"May kinalaman ba ito sa isang taong nagngangalang Mark?" 

"I guess na kwento na ni Jade sayo, yes, it was because of him ayon sa source ko. Wala ni isang naging suspect sa pagkamatay niya and I think doon nagsimula ang kagustuhan ni Jade na malaman kung sino ang pumatay dito. Kung hindi siguro ito kinuha noon, malamang may pamilya na ito ngayon at kasal na siya sa kaniya, I heard na nagpropose sa kaniya ito bago ito mawala ng tuluyan kaya rin siguro hindi pa niya maiwan-iwan ang trabaho niya dito"

"Well, aside for the reason kung bakit siya nagtratrabaho dito. Alam mo bang isang Top Priority Agent si Jade, she has been the most outstanding agent for consecutive years at yun ang naging dahilan kung bakit siya nabigyan ng pardon .."

"Pardon? para saan?" asked Kyle

"Well, you can read the INTERPOL Handbook na nandiyan at nasa number 10 ang sagot" kinuha ni Kyle ang handbook ang nakita ang pangsampung rule na nakasulat dito

"They are not allowed to get married? P-pero si Jade? she's married to me, alam na ba nila ito?" alalang tanong ni Kyle

"Matagal na nilang alam Kyle, but they gave her pardon, at ayon din sa source ko, she was beaten up as punishment at maging moral lesson sa lahat din ng agent and obviously she is the only agent that is married you're one lucky bastard Kyle, she almost sacrifice everything for your marriage, halos mapatanggal na siya sa trabaho pero lumaban siya wag lang siya matanggal at wag ka lang mapahamak"

My Wife is a Secret AgentWhere stories live. Discover now